Matandang lalaki na nakasakay sa wheel chair, umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko!

Sa panahon natin ngayon hindi na natin maipagkakaila na napakahirap talagang makapaghanap ng maayos na trabaho kahit pa nga sabihing nakapagtapos tayo ng kolehiyo o degree holder na tayo. Tila ganito na nga yata ang naging kalakaran sa Pilipinas kahit noon pa man.

Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na hangaan ng husto ng publiko ang isang matandang lalaki na ito nakasakay sa isang wheel chair habang siya ay nakasuot ng isang uniporme ng “Grab Food” at mayroong tila lagayan ng mga pagkain na kaniyang dinideliver sa likurang bahagi ng kaniyang wheel chair na kuha pa sa bansang Singapore.

Ang mga larawan ng masipag na lalaki ay ibinahagi sa Facebook ng isang netizen na nakilala bilang si Gwendilyn Abrico-Dichosa. Ika-20 ng Agosto lamang ng ibahagi niya ang mga larawan ng lalaki na iyon na nilagyan niya rin ng maikling caption kung saan naikwento niya ang naging pangyayari ng araw na iyon.
Ibinahagi ng netizen na sumakay ang isang matandang lalaki sa kanilang sinasakyan at matapos lamang ng ilan minuto ay bumaba na rin ito. Ang kaniyang presensiya diumano sa bus ay talaga namang lumikha ng kakaibang “impact” sa kanila. Pinatunayan din niya ang tunay na kahulugan ng GRIT: “Guts”, “Resilience”, “Initiative”, at “Tenacity”. Labis ding nagpasalamat ang netizen na ito sa inspirasyong hatid niya sa maraming mga tao.

Ang nasabing mga larawan ay mayroon nang higit sa 28,000 na mga reaksyon at umani ng sari-saring mga komento mula sa iba pang mga netizen. Tunay ngang hindi naging hadlang ang kapansanan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa larawan upang magsumikap siya sa buhay.

At talaga namang kahanga-hanga ang nasabing lalaki dahil sa kaniyang pagbabanat ng buto kahit pa nga mayroon na siyang dahilan upang hindi na magtrabaho pa. Kung ang ilang mga tao na mayroong katulad niyang sitwasyon sa buhay ay nagmumukmok na lamang sa isang sulok ng kanilang tahanan, mayroong isang katulad niya na hahangaan talaga ng publiko dahil sa angking katiyagaan at kasipagan.

Maraming mga netizen ang lalo pang naengganya ba ipagpatuloy pa ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kahit pa matanda na o may kapansanan pa ang isang tao hindi ito sapat na dahilan upang sumuko sa buhay at hindi na ipagpatuloy pa ang kanilang mga pangarap sa buhay.



error: Content is protected !!