Nakuhanan ng isang larawan ang bata na ito dahil sa nakatulog ito habang nagtitinda ng Sampaguita!



Isang batang lalaki na nagtitinda ng Sampaguita pagkatapos nang kaniyang klase ang nakita ng isang netizen na natutulog sa lugar kung saan siya nag-aaral. Maraming mga netizen ang talaga namang namangha sa kaniyang pinakitang dedikasyon sa kaniyang pag-aaral at umaasang sana ay maimpluwensiyahan din niya ang ilan pang mga kabataang Pilipino na magsumikap din sa kanilang pag-aaral.



Isang netizen na nakilala bilang si Sha Lim Pua ang nagbahagi ng larawan ng bata na ito sa isang simbahan sa Lipa, Batangas. Narito ang kaniyang caption sa larawan na ibinahagi niya sa Facebook:
“Sana malayo marating mo baby boy. Sana maging inspirasyon to sa mga kabataan. Sana may magbigay sa kaniya ng scholarship.”

Kumalat at naging usap-usapan sa mundo ng social media ang larawan ng batang lalaki na ito kasabay ng maraming mga netizen na sumasang-ayon sa kaniya na marapat ngang hangaan ang batang ito. Talaga namang malinaw ang nais ipakita ng larawan na ito sa maraming mga tao. Hindi hadlang ang kahirapan upang hindi tayo magsumikap sa ating pag-aaral. Ito nga ay maaari pang maging karagdagang inspirasyon para sa atin upang mas magsumikap sa buhay upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.


Sa ating mundo sa ngayon kung saan maraming mga estudyante ang walang humpay sa pagrereklamo sa maraming mga bagay kagaya na lamang ng hindi pagpayag ng kanilang mga magulang na makabili sila ng mamahaling mga bag, sapatos, o gamit ay talaga namang nakakatuwa na kahit papaano ay makasaksi pa ng mga ganitong uri ng bata sa panahon ngayon.


Maraming mga netizen ang talaga namang humanga sa bata at nakakasiguro na magkakaroon siya ng magandang kinabukasan dahil sa alam niya ang kaniyang mga prayoridad, ang kaniyang pag-aaral kahit pa nagtitinda na siya ng mga Sampaguita. Marami pa ngang mga netizen ang nagbahagi ng kani-kanilang mga komento patungkol sa kamangha-manghang bata na ito na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit pa nga kulang sila sa tulog, pagod o gutom na.9




error: Content is protected !!