Tip ng isang mister para ganahan ang mga misis sa paglalaba usap-usapan ngayon sa social media!



Marahil ay marami sa ating mga nanay o ilaw ng tahanan ang sanay na sa mga gawaing bahay. Tunay ngang hindi biro ang maging isang ina, empleyado man sila o mga full-time mom. Bilang isang ina ng tahanan, ang pag-aasikaso ng mga gawaing bahay ay tila ba isang walang katapusang gawain. Magmula sa pagsasaing, pagluluto ng ulam, pag-uurong, pagwawalis, pamamalantsa, at paglalaba ay talaga namang tila simple lamang na mga gawain ngunit talagang nakakapagod din ang mga ito.


Lalo’t higit ang paglalaba kung saan matapos mong ibabad, kusutan ang mga damit o paikutan sa washing machine ay kinakailangan mo naman itong banlawan ng hindi lamang makadalawang beses ngunit sa kung ilang beses mo ito nais banlawan upang masigurado na wala na ngang sabon pa ang mga damit na ito.



Pagkatapo naman nito ay mayroong mga ina na nagsasampay na ng mga damit matapos banlawan at pigain samantalang ang karamihan sa atin ay isinasalang pa muna ito sa “dryer”. Kasunod na nito ang pag-iipit at pagsasampay at pagbibilad nito sa sikat ng araw. Makalipas pa ang ilang oras ay kukuhanin na itong lahat at titiklupin naman upang mailagak na sa mga “drawer”, o “cabinet” na lagayan ng mga malilinis at maaari nang isuot na mga damit.






Kung kaya naman hindi na nakapagtataka ang viral post na ito ng isang Marvien Cascato sa Facebook noon ika-13 araw ng Agosto. Naging patok sa maraming mga netizen ang kaniyang post dahil sa paglalagay nito ng pera sa bulsa ng kaniyang pantalon na madaling makikita ng kaniyang misis kapag naglaba na ito.




Ang kaniyang pampaganang maglaba para sa kaniyang misis ay 550 halaga ng ating pera. Kahanga-hanga ang kaniyang pagpapahalaga sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya at paglalaba ng mahusay ng kaniyang misis kung kaya naman naisipan niyang mag-iwan ng pang-“merienda” para sa kaniyang maalaga at mahal na misis.






error: Content is protected !!