Vice Ganda at Ion Perez agaw-eksena sa All-Star Games 2019!



Inabangan ng maraming mga tagahanga at taga-suporta ng mga Kapamilya artist ang ginanap na All-Star Games 2019 nito lamang Linggo sa Araneta Coliseum. Ang Team Vice at Team Gerald ang naglaban para sa larong basketball at talaga namang hiniyawan ng maraming manunuod ang paglabas ni Vice Ganda at Ion Perez na nalilink ngayon sa isa’t-isa.

Image Source: Pep



Naging kapana-panabik din naman ang laban sa pagitan ng Team Jerome at Team Elmo sa basketball, Team Julia at Team Kim sa larong volleyball, at ang main game ng Team Gerald/Daniel at Team Vice/It’s Showtime sa larong basketball.

Image Source: Pep


Bukod pa nga sa mainit nilang laban ay talaga namang aliw na aliw ang mga manunuod sa mga sweet moments ng ilang mga artista doon tulad na lamang nang matapos maka-three points si Ion ay agad na tumakbo si Vice sa court upang hagkan at yakapin ang kaniyang rumored boyfriend. Bagamat umamin si Ion na magkaibigan lamang sila ng It’s Showtime host at talaga namang hindi pa rin magkamayaw ang mga manunuod sa panunudyo at paghihiyawan sa dalawa.

Image Source: Pep


Maging sina Xian Lim at Kim Chiu ay kinakiligan din ng marami dahil sa “flying kiss” na ibinigay ng aktor para sa kaniyang nobya bago ito mag-service. Maging ang “Hello, Love, Goodbye” star na si Kathryn Bernardo ay dumalo rin sa event at nagbigay pa ng goodluck kiss para sa nobyo na si Daniel Padilla.

Image Source: Pep



Nang maka-three points naman si Ryan Bang ay halos magkapunit-punit na ang kaniyang damit at nahubad na ang kaniyang jersey dahil sa labis na kagalakan ng kaniyang koponan. Samantala naman ay nagtamo ng sugat sa bandang kilay ang aktor na si Zanjoe Marudo nang matamaan ito ni Eric Tai ng It’s Showtime. Sa huli, ang mga nagwaging koponan ay ang Team Jerome kontra Team Elmo, Team Kim laban sa Team Julia at Team Gerald/Daniel laban sa Team It’s Showtime.

Image Source: Pep

Source: Pep




error: Content is protected !!