Anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Tali, game na game na nakipagkulitan sa sa swimming pool!



Sino nga ba naman ang hindi mawawala ang pagod sa mga cute na cute na mga larawan ng mga batang anak ng paborito nating mga artista. Talaga namang para silang maliit na bersyon ng kanilang mga magulang. Tulad na lamang ni Baby Tali na anak ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.



Maraming mga netizen ang natuwa at giliw na giliw sa mga video at larawan ng cute na cute at adorable na si Baby Tali. Sa latest post ng kaniyang mommy Pauleen makikita ang sobrang saya sa mga mata ni Baby Tali na enjoy na enjoy sa swimming pool.


Umani ito ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa mga netizen. Maraming nagsasabing nakuha ni Baby Tali ang kagandahan ng kaniyang Mommy Poleng habang charm naman ang nakuha nito kay Daddy Bossing Vic. Madalas ding makikita sa social media ang mga bibong bibong gawain ng celebrity daughter na ito.


Marami ang namangha na lumalaki na ngayon ang panganay nina Bossing Vic at Poleng na dati ay kalong kalong nila ang cute na cute na si baby Tali. Tunay ngang punong puno siya ng pagmamahal mula sa mga tao sa kaniyang paligid lalo na sa kaniyang mga magulang.


Ang mga bata ay tunay ngang nakapagbibigay kaligayahan sa atin. Hindi man madali maging isang magulang, ang lahat naman napapawi kung ang ating mga anak ay napalaki natin ng may takot sa Diyos, mapagmahal, may respeto, at mabuting mga tao.



Si Marvic Valentin Castelo Sotto Sr. o mas kilala bilang si Vic Sotto ay 65 taong gulang na aktor, komedyanye, TV host, mang-aawit, at manunulat ng kanta. Ikinasal siya noong 1981 hanggang 1992 sa aktres na si Dina Bonnevie ngunit makalipas ang ilang taon ay napawalang bisa rin ito at na-annull. Taong 2016 naman ng ikasal sila ni Pauleen Luna at biniyaan sila ng kanilang unang anak na si Baby Tali noong Nobyembre 6, 2017.




error: Content is protected !!