Nandito na sa Pinas sang futuristic mini-hotel rooms na mula sa Japan!



Narito na nga sa Pilipinas ang patok na patok ngayon na futuristic capsule hotels na mula pa sa Japan. Nasubukan na ng dalawang vloggers ang mga mini hotel rooms na ito para sa kanilang video sa NXT ABS-CBN. At tunay nga na naging maganda naman ang review ng dalawang mga vlogger na ito patungkol sa mga capsule hotels na ibang-iba sa nakasanayan nating mga hotel rooms dito sa Pinas.



Ang pinakunang premium Japanese style capsule na dormitel na may pangalan na “Dormitos” ay matatagpuan sa Cubao. Ang mga ganitong uri ng hotel ay matatagpuan sa bansang Japan kung saan bentang-benta ngayon ang mga capsule hotels na ito. Ang mga ganitong uri ng “capsule hotels” ay isa sa pinakakilalang lodging sa Japan, ang mga ganitong klase ng matutuluyan ay tamang-tama lamang para sa mga taong nagtitipid o di kaya ay nagnanais lamang maging praktikal lalo na sa kanilang pagbiyahe.


Sa video ng ABS-CBN News na NXT ay ipinahayag ng manager ng Dormitos ang konsepto ng kanilang futuristic mini-hotel rooms.
“We wanted to bring this concept here in the Philippines kasi talagang napakabago nito sa ating paningin. Napakafuturistic ng design and I’m sure everyone will enjoy their comfortable stay inside the pods,” ito ang pahayag ng manager ng Dormitos na si Lizette Discaya-Bondoc.


Talaga namang marami ang mamamangha sa kakaibang hitsura ng mga mini hotel na ito dahil sa halip na mga kwarto ang nasa loob nito ay tila malalaking mga kapsula o capsule pods ang iyong makikita na siyang magsisilbing higaan ng mga nais masubukan ang accommodation na ito. Ang mga pods ng lalaki at babae ay magkahiwalay. Mayroon din ditong libreng wifi, bawal ang mag-ingay at magpasok ng mga inumin at pagkain sa loob.


Mayroon ding mga LED lights sa loob nito na maaari mo mismong ibahin ang mga kulay, mayroon ding USB ports para sa mga nais , mag-charge at ang mga ito ay fully air-conditioned rin sa loob.






error: Content is protected !!