Pahayag ni Vice Ganda patungkol sa “we’re just friends’ na komento ni Ion Perez sa kanilang tunay na relasyon!



Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang mga nagtatanong patungkol sa komento ng sikat na komedyante at host na si Vice Ganda sa naging pahayag ni Ion Perez sa tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon. Kahit pa nga sinabi na ni Ion na magkaibigan lamang sila ni Vice ay talaga namang hindi pa rin mamatay-matay ang isyu na mayroong espesyal sa kanilang pagsasamahan.

Image Source: Pep



Nagkaroon ng isang story conference ang nalalapit na pelikula ng dalawa na mayroong pamagat na “Mang Kepweng” nito lamang nakaraang Linggo kung saan sinagot ni Ion ang tanong patungkol sa napapabalitang relasyon nila ng It’s Showtime host. Ayon sa pahayag ni Ion sa storycon ay sobrang malapit lamang sila sa isa-t-isa kaya marahil iniisip ng marami na sila ay mayroong espesyal na pagtitinginan. Dagdag pa nito ay mahal niya daw si Vice bilang isan kaibigan. Talaga namang marami ang kinilig sa “closeness” nila sa nakalipas na ABS-CBN All-Star Games 2019 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, nitong Linggo, Agosto 25.

Image Source: Pep


Bago pa man magsimula ang basketball game sa pagitan ng Team Vice/Team It’s Showtime laban sa Team Gerald/Team Daniel ay natanong na ng ilang mga entertainment press ang beteranong komedyante si Vice tungkol sa naging pahayag ni Ion. Una na siyang tinanong kung sino ang pinakamahusay sa kanilang koponan at sinabi nitong:
“I think si Ion ang pinakamagaling. I heard si Ion ang pinakamagaling,”, ngiting-ngiting pahayag ni Vice.

Image Source: Pep


Nagbiro pa nga ito na kinuha pa nila ng NBA coach si Ion upang personal na tutukan ang pagsasanay nito kung kaya naman pupusta talaga siya dito ng P1,500. Walang pag-aatubili naman siyang tinanong patungkol sa mga pahayag ni Ion na magkaibigan lamang sil at ito ang kaniyang naging pahayag:
“Ay, happy lang kami. Happy lang kami,” ayon kay Vice.

Image Source: Pep



Tinanong din siya kung papatulan niya ang kanilang mga bashers at sinabi niyang, “Sa happiness lang tayo.”

Source: Pep




error: Content is protected !!