Andi Eigenmann pinasilip sa publiko ang pinapagawa nilang tahanan sa Siargao!



Matapos nga ang halos dalawang buwang paninirahan sa Maynila ay nagdesisyon na ang aktres na si Andi Eigenmann, ang kaniyang nobyo na si Philmar Alipayo, at ang anak niya na si Ellie na magbalik na sa Siargao. Ito rin ang unang beses ng kanilang anak na si baby Lilo na makapunta sa isla.



Si baby Lilo ay halos isang buwang gulang pa lamang mula nang isilang siya ng ina na si Andi. Sa Instagram post ni Andi ay nagbahagi din ito ng update patungkol sa ginagawang konstruksyon ng kanilang magiging tahanan sa isla. Ang kanilang tahanan ay mayroong dalawang palapag.


Ayon sa naging panayam sa aktres nito lamang Hunyo 22 ay pinaplano na nila talagang magpatayo ng tahanan noon pa para na rin sa mga bata at sa lumalaki nilang pamilya. Sa katunayan nga ay mayroong sariling kwarto si Ellie sa pinapagawa nilang tahanan.


“I did have kids in mind for the house already. Like I wanted a play area and Ellie to have the type of room she wants, so that she’d love being there more. But she loves it there. She cries every time we have to go to Manila.”” ito ang naging pahayag ni Andi. Si Ellie ang pitong-taong gulang na anak ni Andi sa dati nitong nobyo na si Jake Ejercito.



Matatandaang Pebrero ngayong taon nang magbahagi si Andi sa kaniyang social media patungkol sa ipinapatayo nilang tahanan. Kamakailan din lamang nang tuluyan nang lumipat at nanirahan si Andi at ang kaniyang anak na si Ellie sa Siargao bago pa man siya manganak. Si Philmar ay naninirahan sa Siargao. Taong 2017 nang umalis ng Maynila ang aktres na si Andi at nanirahan na muna sa Baler, Aurora. Si Andrea Nicole Guck Eigenmann ay 29 na taong gulang na aktres at modelo na anak ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose at ang isa pang kilala at mahusay na aktor na si Mark Gil na pumanaw noong Setyembre 2014 sa edad na 52.

Source: Pep






error: Content is protected !!