Beauty Queen noon, second lieutenant na ngayon sa Philippine Army reserve force!



Si Miss Air Philippines 2018 Zahra Bianca Saldua ay isa na ngayong second lieutenant ng “Philippine Army reserve force”. Ayon pa sa beauty queen, ang kaniyang pagsasanay sa ROTC ang nag-udyok sa kaniya upang paglingkuran pa ng husto ang kaniyang bansa. Ang kaniyang tatlong taong karanasan sa “army” ay talaga namang isang napakatamis na tagumpay para sa kaniya. Tunay ngang hinangaan siya ng marami dahil dito. Hindi lamang siya maganda at kaakit-akit ngunit talaga namang matalino rin siya at matapang!



Siya ay kinorohanan bilang Miss Air Philippines sa Miss Earth pageant noong taong 2018 at ngayon nga ay lumahok na siya sa Philippine Army reserve force. Ang mas nakakamangha pa rito ay mayroon na siyang ranggo ngayon na second lieutenant. Sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kaniyang tagumpay at motibasyon. Ito ang kaniyang naging pahayag:
“Since I was in college being part of ROTC, I always wanted to serve our country. I always wanted to help people and I wanted to be a part of the future of the Philippine Army being its representative to the public.”


Ibinahagi din niya kung paano nabago ng kaniyang tatlong taong karanasan sa “army” ang kaniyang pananaw sa buhay.
“I have been with the Army for 3 years as their host for many events and saw the love they have for the country and its people. This is a dream come true for me and I hope I can influence more of our youth to serve the people as well,” dagdag pa niya.


Pagbabahagi pa niya, nagkaroon siya ng inspirasyon na maging parte ng “army reserve” noong taong 2016 matapos siyang maging host ng “Senior Leaders’ Conference” ng army. Mula noon ay naging aktibong miyembro ng “army reservists”.


Malugod din siyang nagpasalamat sa mga opisyal na naglaan ng kanilang panahon at talent upang mapagtagumpayan niya ang proseso at maging sa mga taong nag-welcome sa kaniya at nagbigay inspirasyon upang magpatuloy at mas mapabuti ang kaniyang kontribusyon sa kaniyang komunidad.






error: Content is protected !!