Ipinasilip na sa publiko ang bagong hitsura ng Rizal Memorial Coliseum!



Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Architect Gerald Lico ang magiging bagong hitsura ng Rizal Memorial Coliseum kapag natapos na ang sports venue na ito. Talaga namang maaliwalas at moderno ang magiging bagong bihis nito. Ang lugar na ito ay magsisilbing venue ng ilang mga palaro sa parating na SEA Games. Si Architect Lico ay isang kilalang eksperto sa heritage conservation. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account ang bagong hitsura ng Rizal Memorial Coliseum matapos ang tatlong buwan na pagsasaayos nito. Ang nasabing sports venue ay naitayo noon pang 1934.



Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN, itinalaga talaga si Architect Lico upang maibalik ang kagandahan ng lugar. Ika-23 ng Agosto ng ipasilip niya sa publiko ang magiging pagbabago sa sports venue na ito na talaga namang hinangaan at pinuri ng marami. Mayroon pa ngang ibang mga netizen na talaga namang hindi mapigilan na alalahanin ang mga nakaraan nila sa nasabing lugar. Isang netizen na nakilala bilang Yohann Moises ang nagbahagi ng kaniyang karanasan ay kaniyang sinabi:


“Nung estudyante pa ako, madalas ako manood ng UAAP diyan and then nung naging part na ako ng Corps, lagi ako kasama sa entourage. Much more diyan ko pinanonood ang UE Dance troupe na mag-perform. Ang ganda!” Isang netizen pa nga ang nagkomento patungkol sa magiging bagong hitsura ng sports venue:
“I used to pass by this rundown building back in college. I am excited to see it again,” dagdag pa niya.


Ang ginagawang pagsasaayos ng Rizal Memorial Coliseum ay pinaglaanan ng P800 milyong piso para sa paghahanda ng Pilipinas sa nalalapit na SEA Games na galing mismo sa Philippine Amusement Gaming Corporation. Ang magiging ikatatlumpung edisyon ng “Southeast Asian Games” ang isa sa pinakaprestihiyosong sports event sa mundo ay gaganapin mismo sa Pilipinas sa ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre 2019. Tiyak na magiging malaking tulong ito sa ekonomiya at sa turismo ng ating bansa lalo na at maraming mga dayuhan ang dadalo sa pagtitipon na ito at magtutungo sa ating bansa.





error: Content is protected !!