Isang Hapon ang nagpakasal sa isang Badjao at siya ring tumulong na maisalba nito ang kanilang komunidad!



Namangha ang maraming mga netizen sa pagmamahal ng isang Hapon na nagngangalang Hiromu Matsuda sa isang babaeng Badjao na nakilala bilang si Shaima Mokaddam. Ngunit bukod sa kamangha-manghang pagmamahalan nilang dalawa ay mas lalong napabilib ang publiko dahil sa determinasyon ni Hiromu upang matulungan ang komunidad ng tribu ng mga Badjao sa Alaska Mambaling sa Cebu, City.



Siya ay nakagawa ng paraan upang makapagbigay ng mga trabaho at oportunidad sa mga Badjao at nang tuluyan nang mawala ang kaisipan patungkol sa kanilang tribo na kadalasang nakikita lamang sa mga lansangan bitbit ang kanilang mga dala-dalang mga bata habang namamalimos ng pera o pagkain sa kalye.


Isang vlogger na nakilala bilang si Koichi Kuwabara ang nagbahagi ng kakaibang kwento ng pag-ibig ng isang Japanese national na si Hiromu at ang kaniyang asawa na si Shaima. Pagbabahagi pa ng Hapon, tatlong taon na ang nakalilipas nang siya ay magtaka sa kultura ng mga Badjao at nagdesisyon siya na manirahan na muna sa kanilang komunidad sa Cebu.


Ayon pa sa vlogger na si Koichi, naging kaisipan na ng maraming mga Pilipino ang pagmamaliit sa mga Badjao at ang tingin sa kanila ay mga taong namamalimos lamang sa lansangan. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon palang kinahaharap na problema ang tribo ng mga Badjao.


Ayon kay Hiromu, sampung taon na ang nakakalipas nang ang mga Badjao ay tahimik na naninirahan sa Cebu. Ang kanilang ikinabubuhay ay ang tradisyunal nilang panghuhuli ng mga isda sa karagatan. Ngunit dahil na rin sa malawakang modernisasyon ang mga katubigan natin ay madumi na at puno na ng mga basura. Ang komunidad ng mga Badjao ay nawalan na ng ibang pagpipilian kundi ang mamalimos na lamang upang sila ay mabuhay.



Dahil na rin sa mahirap na kalagayang ito ng mga Badjao ay naisipan ni Hiromu na gumawa ng paraan upang matulungan ang mga Badjao. Sa halagang P800,000 na nalikom niya sa pagbabahagi niya ng kwento na ito sa social media ay natulungan niya ang maraming mga Badjao na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga guest house at pag-oorganisa ng mga “island hopping tours” ng mga Hapones na namamasyal sa kanilang lugar. Ngayon ay masaya na siyang naninirahan sa Cebu kasama ang misis niya na isa ring Badjao at ang 2-anyos nilang anak.




error: Content is protected !!