Categories: Viral

Misis, pinigilan ang kasal ng mister sa ibang babae. Inuwi din ang handang litson!

Maraming mga netizen ang pumupuri ngayon sa misis na ito na nagtungo mismo sa isang simbahan upang pigilan ang kasal ng kaniyang mister sa ibang babae. Hindi rin naman niya pinalampas ang mga handang pagkain at lechon na handa sa kasalang ito. Siya ay nakilala bilang si Cleofe Boquia mula sa Lopez Jaena, Misamis Occidental.

Bagamat hindi lahat ng mga misis ay mayroong lakas ng loob upang humarap sa gitna ng maraming mga tao at tutulan mismo ang kasal ng kaniyang mister ay talaga namang naging matapang at kahanga-hanga ang misis na ito.

Pumasok si Cleofe sa simbahan na pagdadausan ng kasal at sumigaw ito na itigil ang kasalan dahil sa siya ang legal na asawa ng lalaking nasa harap ng altar. Aakalain mo nga na nasa isang programa sa pelikula o telebisyon ang eksena na ito. Tila ba hindi ito mararanasan ninuman sa totoong buhay ngunit ito na nga ang hindi inaasahang pagkakataon na makakasaksi tayo ng ganitong pangyayari. At tiyak din na ito ang pinakakinakatakutang pangyayari ng isang babaeng ikakasal sa araw na kaniyang pinakahihintay.


Ayon sa pagkukwento ng tunay na misis na si Cleofe taong 1990 nang magkakilala sila sa Cebu. Noon nga ay mga estudyante pa lamang. Di kalaunan ay niligawan siya ni Jerry (hindi niya tunay na pangalan) at malimit siyang binibigyan ng mamahaling mga regalo at mga bulaklak.

Taong 1999 naman ng idinaos ang kanilang kasal sa huwes. Noong una ay naging masaya ang kanilang pagsasama ngunit nagulat na lamang siya nang malaman niyang may kasintahan ang mister na mas bata sa kaniya sa isa sa kanilang mga negosyo na paupahan. Naging malabo at magulo ang kanilang naging pagsasama hanggang sa dumating sa punto na hindi na ito nagbibigay sustento sa kaniyang apat na mga anak.

Hanggang nalaman na lamang niya na ito ay magpapakasal sa ibang babae kung kaya naman agad siyang nagtungo sa simbahan upang pigilan ito bitbit ang mga dokumentong nagpapatunay na siya ang tunay na asawa ng lalaki sa harap ng altar kasama ang ibang babae.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago