Ella Cruz at Julian Trono, napapabalitang kasal na ayon sa mga netizens?



Si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala ng marami sa industriya ng show business bilang si Ella Cruz ay 23 taong gulang na aktres, product endorser, host, commercial at promotional model, at isang mahusay na mananayaw. Nakilala siya noon bilang si Aryana sa 2012 fantasy series na “Aryana”.



Labis siyang hinangaan ng marami dahil sa angkin niyang kagandahan at sa pambihirang talento niya sa pagsasayaw. Bukod pa rito ay kinakikiligan din ang tambalan nila ng kaniyang nobyo sa totoong buhay na si Julian Trono. Si Julian Trono ay si Julian Marcus Daang Trono sa tunay na buhay. Siya ay 21 taong gulang na aktor at mahusay na mananayaw. Siya ay isa ring choreographer sa “Body Rock Dance Studio” na matatagpuan sa Quezon City.

Ang “Twerk It Like Miley” dance cover ni Ella ay talaga namang pumatok sa maraming mga netizens dahil sa umabot na ito ng higit sa 13 million views na lalo pang nagpasikat sa kaniya hindi lamang bilang isang aktres kundi bilang isang mahusay na mananayaw. Ang magkasintahang Ella at Julian ay nagkaroon din ng “Versace on the Floor” dance cover nila na umani ng higit sa 5 million views sa YouTube, mula noon ay talaga namang mas dumami pa ang kanilang mga tagahanga.




Sa umpisa ay inililihim pa ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon ngunit kalaunan ay napilitan din silang umamin na. Ayon sa ilang mga reports ay taong 2017 nang naging opisyal ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Tunay ngang pinatunayan ng dalawa na ito na ang kanilang pag-iibigan ay lumago ng lumago at mas naging matatag.


Kamakailan lamang ay umugong ang mga bali-balita na diumano ay nagpakasal na daw ang dalawa. Bagamat wala pang anumang kompirmasyon mula sa dalawa ay talaga namang hindi na magkamayaw ang kanilang mga tagasuporta at tagahanga kung mayroon ngang katotohanan ang mga balitang ganap na silang mag-asawa o ang mga larawan at wedding video na kumakalat ay bahagi lamang ng kanilang proyekto!




error: Content is protected !!