Marian Rivera-Dantes, nagnu-novena kasama ang buong pamilya kay Mama Mary para sa gatas ng anak na si Baby Ziggy!



Marahil maraming mga ina ng tahanan ang makaka-relate sa usapin patungkol sa pagbibigay ng gatas sa kanilang mga anak o breastfeeding. Tunay nga na walang hihigit at walang tatalo sa nutrisyon at sa sustansyang maibibigay nito sa isang sanggol lalo’t higit sa mmga benepisyo nito sa ina, sanggol, at sa buong pamilya.



Ayon sa ilang mga pag-aaral ay mas nagkakaroon ng mas malalim na ugnayan ang sanggol sa kaniyang ina dahil sa pamamaraan na ito. Mas nasisiguro din na walang anumang masamang sangkap ang breastmilk ng mga ina para sa kanilang mga supling dahil sa ito ay mula mismo sa kanilang katawan.


Maaaring maraming mga kababaihan ang lubos na pinagpala sa pagkakaroon ng natatanging pagkakataon upang mai-brestfeed ang kanilang mga anak ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroong mga ina na talagang nahihirapan sa supply ng gatas sa kanilang katawan. Kahit ano mang pilit ang gawin nila o kahit anumang kain nila ng mga malunggay at iba pang masasabaw na pagkain ay tila wala pa ring nadaragdag sa lakas ng kanilang gatas dahilan upang hindi makadede ng maayos ang kanilang mga anak at rason din upang humanap sila ng ibang alternatibong paraan.


Buti na lamang at isa si Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa mga pinagpalang mommy dahil sa hanggang ngayon ay nagawa niyang mag-breastfeed sa kaniyang ikalawang anak na si Baby Ziggy.


Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan din sa social media ang kaniyang ipinost na larawan sa Instagram kung saan mayroon siyang hawak hawak na Mama Mary at nilagyan niya ito ng caption na: “ “I prayed to Our Lady of the Milk to help me produce more milk so I can provide for Ziggy.



I know that I’m not the only mom whom she has helped and we’re all filled with gratitude. Kaya mga nanay, don’t lose hope, miracles do happen. Salamat Mama Mary sa biyaya at pagpapala. #PadedeMo, #TribuNiYan.” Umani ito ng maraming positibong mga komento at reaksyon mula sa publiko. At talaga namang nagbigay inspirasyon sa marami pang mga Pilipina na katulad niyang ina rin.

Source: Pep