Mas maayos na hitsura ngayon ni John Lloyd Cruz umani ng mga positibong komento mula sa publiko!



Mayroong mga bagong larawan ng aktor na si John Lloyd Cruz na kumakalat ngayon sa social media. Ang mga larawang ito ay umani ng mas maraming mga positibong komento mula sa kaniyang mga tagahanga at iba pang mga netizen. Bukod sa nakangiting John Lloyd ay napansin din nila ang maaliwalas na mukha nito.



Dati ay mayroon siyang mahabang buhok at makapal na balbas na talaga namang nagpakunot sa noo ng maraming mga Pilipino dahil sa marahil ay mas kilala siy a noon sa kaniyang gwapo at “boy-next-door” na imahe. Sa ngayon nga ay kapansin-pansin na ang malaking pagbabago sa hitsura ng aktor na ibinahagi sa Instagram ng @lloydiebeaforever. Tunay ngang mababanaag mo sa mga mata ng isang tao at sa kaniyang mga ngiti ang tunay na saya at kaligayahan ng kaniyang puso.


Sa nasabing viral na mga larawan ay makikitang mayroon siyang kasamang dalawang mga babae sa kaniyang tabi at may karga-karga na bata na hindi kita ang mukha. Ayon pa sa maraming mga netizen, latest ang larawan na ito ng aktor at sinasabing pinost nito lamang ika-28 ng Agosto, Miyerkules.


Sa comment section naman ng mga larawang ito ay sinagot ng nag-upload ang ilang mga tanong ng mga netizen. Isa na rito ang katanungan ng isang follower kung sino ang bata sa larawan at kinumpirma nga ng uploader na ito ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto. Habang ang isang babae naman na katabi ng aktor ay ang kaniyang personal assistant.


Marami din naman ang mga espekulasyon na gumagawa na ng bagong proyekto ang aktor at tuluyan na ngang magbabalik sa show business. Ito ay matapos kumalat ang mga larawan ni John Lloyd kung saan nakasuot siya ng isang puting polo shirt, gray na chaleco at cowboy hat habang may hawak na puppet at tila siya ay gumaganap bilang isang ventriloquist.



Sa kaniyang likuran ay mayroon ding nakasulat na “Amazing HA Hernando Show.” Ang mga sumunod na larawan pa nga ay larawan ng ilang mga crew at equipments sa set.

Source: Pep




error: Content is protected !!