Misis na nawala ang lahat ng kaniyang alaala dahil sa isang aksidente, napamahal muli sa kaniyang mister at ikakasal na sila ulit!



Naniniwala ba kayo sa tunay at wagas na pag-iibigan? Yung kahit anuman ang mangyari o maging hadlang ay magiging kayo pa rin ng iyong minamahal sa bandang huli? Aakalain mo na sa mga pelikula sa sinehan o mga programa lamang sa telebisyon makikita ang mga ganitong klase ng kwento. Ngunit tila ito rin ang pinatototohanan ng isang mag-asawa mula sa Canada.



Si Laura Hart Faganello ang nagbahagi ng napakagandang kwento ng pag-iibigan nilang mag-asawa. Ayon sa kaniya, “engaged” na siyang muli sa kaniyang mister na si Brayden Faganello, ito ay dalawang taon matapos siyang makaranas ng isang trahedyang babago sa kaniyang buhay at sa buhay nilang mag-asawa.


Nawalan siya ng alaala noon at talagang naapektuhan ang kaniyang utak. Ang kanilang kwento ay umabot na sa 69k na mga likes at higit sa 22k na mga shares. Ang nakakalungkot na simula ng kwento ay nangyari siyam na buwan matapos ang kasal nina Laura at Brayden. Isang malaking poste ang nalaglag sa ulo mismo ni Laura habang siya ay nag-oorganisa ng isang event.


“My next clear memory is of waking up thinking I was 17 years old, and not knowing who Brayden was. My memory of meeting, falling in love with, and marrying Brayden was gone,” pagbabahagi ni Laura. Dagdag pa niya, kinailangan niyang matutong magsulat at magbasang muli dahil sa nangyaring insidente. Talaga namang nahirapan si Laura dahil sa wala siyang maalala kahit pa nga ng kaniyang asawa mismo.


“I desperately hoped my memory would come back, that someday I would look at Brayden and remember everything. Unfortunately that has yet to happen,” sambit niya. Nagpasya si Laura na bigyan ng pagkakataon si Brayden na patunayan ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagmamahal at hindi nga siya nagkamali dahil nawala man ang kaniyang mga alaala sa mister ay hindi naman nawala ang labis na pagmamahal, pag-aasikaso, at ang malawak na pang-unawa nito sa kaniya.



At hindi na nakapagtataka na muli niyang mahalin ang kaniyang mister na hindi napagod at hindi nagsawang magmahal sa kaniya sa gitna ng pagsubok na kanilang kinahaharap. Isang napakagandang kwento ng pag-ibig!




error: Content is protected !!