Sariwang gulay ang naging dekorasyon sa kasal na ito imbes na mamahaling mga bulaklak!



Ang tipikal na kasalan sa ating mga Pilipino ay hindi lamang basta basta isang magastos na selebrasyon o pagdiriwang ng dalawang taong nais nang lumagay sa tahimik at bumuo ng sarili nilang pamilya. Ngunit ito ay maituturing din na pagbubuklod ng dalawang magkaibang pamilya na pinag-isa ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae.



Hindi lamang ang “bride” o ang “groom” ang magbubuklod kundi maging ang kanilang kani-kaniyang pamilya rin. Nakakatuwang malaman na ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang selebrasyon na maituturing bagkus ito ay tila “reunion” din o pagsasama-sama ng mga magkakamag-anak upang sabay-sabay na ipadiwang ang kasal ng kani-kanilang mahal sa buhay.




Magarbo man o simple ang selebrasyon ng isang kasalan ay mas nagiging makahulugan ito dahil sa pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat pamilya kaysa sa halaga ng salapi na ginastos ng mga ikakasal o di kaya naman ay sa garbo ng mga dekorasyonat palamuti. Kamakailan nga lamang ay pinag-usapan ng maraming mga netizen ang kasalang ito dahil sa kakaibang dekorasyon na ginamit sa simbahan.




Sa halip na mga mamahaling mga bulaklak o palamuti ay mga sariwang gulay ang nagpaganda sa altar at sa buong simbahan para sa kasal nina Claver at Fleann Molot. Ayon sa kanila, ang ideya na ito ay mula mismo sa kanilan tiyahin. Dahil nga sa pagsasaka ang pangunahin nilang ikinabubuhay sa La Trinidad, Benguet ay mga sariwang repolyo, broccoli, at cauliflower na ang ginawang dekorasyon sa lalakaran ng bride, mga ninong at ninang, at mga abay.




Ayon pa sa kanila ay hindi din nasayang ang mga sariwang gulay na ito dahil ipinamigay din nila ito sa mga dumalo sa kanilang kasal matapos nila itong gamitin bilang mga dekorasyon. Ang nasabing kasalan ay idinaos sa isang simbahan sa La Trinidad, Benguet na ginanap noong Hulyo. Ni-repost ng GMA News Facebook page ang mga larawan ng kasalan na ito na ngayon ay mayroon nang higit sa 92k na mga reaskyon kahit wala pang 24 oras matapos itong i-post. Talaga namang nakakamangha ang kasalan na ito na hindi na kinailangan pa ng magagarbo at mamahaling mga bulaklak bagkus ay mga sariwang gulay ang ginamit na mula mismo sa ating bansa.



Source: DefinitelyFilipino




error: Content is protected !!