Silipin ang napakagandang family farm ni Dimples Romana!



Si Dianne Marie Romana Ahmee o mas kilala ng marami ngayon bilang si Dimples Romana ay 34 taong gulang na aktres, modelo, at author mula sa Parañaque City. Naging bahagi siya noon ng programang “Tabing Ilog” sa ABS-CBN taong 1999 kasama pa ang ibang mga sikat na artista tulad nina Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler at Kaye Abad. Gumanap siya bilang karakter ni Jacqueline o “Jackie”.



Bagamat hindi siya masyadong kilala sa mga karakter na ginampanan niya noon sa mga pelikula o programa na kaniyang kinabilangan ay talaga namang malayo na ang nararating niya ngayon dahil sa natamo niyang kasikatan bilang si Daniela Mondragon-Bartolome.

Ang karakter na kaniyang ginagampanan ay talaga namang mapangahas at nakakapag-init ng ulo. Lalo na sa mga pananakit at pangsasabotahae niya sa mag-inang Romina at Cassie ngunit sa kabila ng pagiging kontrabida niya ay talaga namang napamahal na sa kaniya ang sambayanang Pilipino. Sa katunayan nga ay isa ang kaniyang mga karakter sa pinaka naging trending sa social media dahil sa napakaraming mga “meme” ang naglabasan patungkol sa karakter niyang si Daniela na ikinatuwa ng maraming mga Pilipino.




Ngunit higit pa sa husay niya sa kaniyang pag-arte at sa pagiging mapagmahal niyang ilaw ng tahanan ay hinahangaan din siya ng marami dahil sa kanilang maingat na paghawak o pag-iinvest sa kanilang pananalapi. Sa katunayan ay ipinasilip niya kamakailan lamang sa publiko ang kanilang family farm sa Alfonso, Cavite. Talaga namang napaka-aliwalas at nakakamangha ng pag-aari nila na ito.


“This is very magical for me because this was the one who pushed us to do this. So at the moment, and I say it with pride because wala naman kaming inagrabyado para makuha lahat ‘yun…the building that we bought last year is our 10th property, and my husband and I have been married for 16 [years]. Umiiyak [ako] ‘pag tinitingnan ko yung mga lugar na ganito. Grabe, ang dami kong iniyak dito, ang dami kong sampal na sinalo dito!” Dimples even shares what some celebrity friends think of it all. “Kaya alam mo sina Bea (Alonzo), sina Angel (Locsin), ‘pag pumupunta sa property, si Angel nakapunta na dito, si Bea nakapunta sa building. ‘Pag nakita nila niyayakap nila ako, sabi ni Bea sa akin, “Momshie, I’m so proud of you!” pagbabahagi pa ng aktres. Talaga namang mamamangha ka sa napagandang property na ito ng isang Dimples Romana na mula sa kaniyang pagpapagal at pagsusumikap.




error: Content is protected !!