Sarah Geronimo bilang isang napakasupportive na nobya kay Matteo Guidicelli



Isa sa mga celebrity couples na nakapagpapanatili ng low-profile nilang relasyon at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ang aktor na si Matteo Guidicelli na talaga namang mas lalo pang tumatatag kahit pa limang taon na ang kanilang relasyon.



Mapapansin na ang magkasintahang ito ay kaunti lamang ang mga public appearances kung kaya naman nakakakuha na lamang ng mga update ang kanilang mga tagasuporta at tagahanga sa ilang mga larawan at video mula sa Intagram ni Matteo kung saan minsan ay nagbabahagi ito ng ilang mga larawan at video nilang magkasama ni Sarah na kadalasan ay kuha ng ilan nilang mga fans.




Kalagitnaan ng taong 2014 nang mapabalita ang relasyon ng dalawa. Ngunit hindi ito naging madali sa simula dahil sa ang mga magulang ni Sarah ay hindi pabor para sa relasyon nilang dalawa. Bagamat hindi madalas magbahagi ng mga larawan at video si Sarah sa kaniyang social media account ay talaga namang kamangha-mangha ang kaniyang pagsuporta sa kaniyang nobyo. Aakalain mong isa lamang siyang sikat na superstar ngunit di alam ng marami na siya rin ang numero unong tagahanga ng aktor.




Nito lamang Hunyo ay dumalo si Sarah sa pagtatapos ng military training ni Matteo na ginanap sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan. Pag-amin pa niya sa kaniyang panayam sa programang “Magandang Buhay”, nang sinabi niya sa kaniyang mga magulang at sa kaniyang nobya na nais niyang sumailalim sa military training, hindi sila talaga pumayag na ituloy niya ito ngunit nang siya ay payagan ng President ng Pilipinas ay sumang-ayon na rin sila.




Binisita din siya ng nobya noon habang siya ay nasa kaniyang pagsasanay at sinabi nitong iuuwi na niya siya. Ngunit nagpakatatag siya at pinaghusayan pa niya kung kaya naman hindi na nakapagtataka na nakamit niya ang kaniyang ninanais. Ang kanilang matatag na samahan ay inspirasyon sa maraming mga tao lalo na sa mga magkasintahan.






error: Content is protected !!