Siya pala ang Irish guy na nagpapatibok sa puso ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro



Si Glaiza Castro Galura o mas kilala bilang Glaiza de Castro ay 31 taong gulang na aktres, mang-aawit, host, composer, at producer. Siya ay nakilala hindi lamang sa husay niya sa pag-awit kundi maging sa kaniyang galing sa pag-arte.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang kaniyang diumano ay rumored boyfriend na isang Irish businessman at diving instructor na si David Rainey. Agad na napukaw ang atensyon ng publiko sa kanilang mga sweet na mga larawan. Hindi lamang businessman at diving instructor si David dahil siya ay isa ring surfer, motorcycle enthusiast, animal lover at mahilig din siyang magdrawing.




Ayon sa pagbabahagi ng Kapuso actress ay nagkakilala sila ni David nang siya ay nagtungo sa Siargao at mula noon ay nagpabalik-balik na siya sa Pinas hindi lamang upang mamasyal sa mga naggagandahang destinasyon sa ating bansa kundi upang makasama rin ang dating “Contessa” star. Magkasama din silang namasyal sa ilang mga tourist spots sa Maynila at Tagaytay.




Nabisita na rin ni David ang property ng pamilya ni Glaiza sa probinsiya ng Aurora. Pagkukwento pa ng aktres, masaya siyang nakikita ni David ang kaniyang mga ginagawa at lalo siyang nagiging masaya dahil sa nag-eenjoy silang pareho sa kanilang mga ginagawa.




Nasorpresa din ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta nang hindi nito itinanggi na nobyo na nga niya ito. Dagdag pa niya tila hindi isang Pinoy ang kaniyang makakatuluyan kundi isang foreigner. Kasama niya rin si David sa kaniyang pagpunta da Londo upang mag-aral. Plano din ni David na ipakilala si Glaiza sa mga kapatid nito.



Talaga namang mapapansin sa kanilang mga larawan ang labis na kasiyahan sa piling ng isa’t-isa. Sa ngayon ay wala pang balak lumagay sa tahimik ang dalawa dahil sa mag-aaral pa ng music short course sa United Kingdom. Pareho nilang suportado ang karera ng bawat isa.




error: Content is protected !!