50 kilong honey at libo-libong mga bubuyog sa kisame ng isang bahay, natagpuan!



Nagimbal nga ang publiko sa 50 kilo ng honey na nakuha s aisang bahay sa Australia. Tinatayang nasa 60,000 na mga bubuyog ang nakuha sa nasabing beehive. Ang napakalaking honeycomb ay nagawa ng mga bubuyog sa loob lamang ng sampung buwan. Nagulat ang mmga residente sa isang bahay sa Brisbane, Australia dahil sa libo-libong mga bubuyog na nakita sa kisame ng isang tahanan doon.



Ang may-ari ng nasabing bahay na si Laurel Loosham ay hindi makapaniwala na mayroon pa lang ganoong karaming mga bubuyog sa loob ng kaniyang tahanan mismo. Dagdag pa niya, bagamat batid naman niyang gumagawa ng pugad ang mga bubuyog sa kaniyang bahay ay hindi naman nito inaasahang ganoong kalaki na ang kanilang nagawang pugad! Napansin niyang dumarami na ang mga lumilipad na bubuyog sa loob ng kanilang bahay kung kaya naman tumawag na siya kaagad sa Brisbane Backyard Bees upang matulungan siya sa kaniyang malaking problema. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tawagan ang beekeeper na si Paul Wood ng Brisbane Backyard Bees.


Sa ibinahaging video ni Wood sa Facebook page mismo ng Brisbane Backyard Bees ay makikita ang naging napakalaking pugad ng mga bubuyog sa kaniyang tahanan. Nasa tinatayang mga 60,000 na mga bubuyog ang nakuha nila sa nasabing pugad at nasa 50 kilo rin ng honey. “It’s a perfect spot for bees, a nice cozy cavity with a little small entrance they can easily defend. The owner wasn’t disturbed by them at all. She was very comfortable with the bees in her house. But she realized they probably should be moved.” Pagpapaliwanag ni Wood.


Ang ginamit upang malipat ang mga libo-libong bubuyog ay isang low-powered vaccum papunta sa isang malaking kahon. Plano nilang ipamahagi ang mga insekto sa mga bee enthusiasts sa Brisbane habang sa may-ari naman ng bahay na si Miss Loosham napunta ang limampung kilo ng mga honey.