Ito ang naging sagot ng anak ni Paolo Ballesteros sa kaniyang pag-amin sa tunay niyang sekswalidad!



Si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o mas kilala ng marami bilang si Paolo Ballesteros ay 36 na taong gulang na aktor, komedyante, TV host, modelo, at impersonator mula sa Cabanatuan City. Naging bahagi na rin siya ng ilang mga programa sa telebisyon at sa ilang mga pelikula. Ngunit mas naging kilala siya ng publiko sa magiliw at nakakatuwa niyang paghohost sa Eat Bulaga.

Image by Paolo Ballesteros via Instagram



Ayon kay Paolo Ballesteros alam naman niyang batid na ng publiko noon pa man ang kaniyang tunay na sekswalidad kung kaya naman hindi na niya nais pang gawan ng malaking isyu ang kaniyang pagkumpirma dito. Dagdag pa niya, ang kaniyang anak na si Keira Claire ay hindi nagtatanong patungkol sa ganitong usapin at inilarawan pa ito bilang isang inosenteng bata. Ang kaniyang anak ay nasa ikalimang baiting na at nag-aaral sa Estados Unidos kasama ang kaniyang ina. Ibinahagi nga niya kamakailan lamang kung paano niya sinabi o pinaliwanag ang kaniyang sekswalidad sa kaniyang anak.

Image by Paolo Ballesteros via Instagram


Pag-amin pa ng Kapuso Dabarkads hindi niya itinatanggi ang mga bali-balita patungkol sa kung ano talaga siya. Nang siya ay tanungin kung ano nga ba talaga siya, ang sambit lamang nito ay: “I’m a person.”. “Kung ano yung nakikita mo — ganun ‘yung pananaw ko sa sarili ko. Hindi mo kailangan i-chururot-churorot. Ayaw ko gumawa ng issue na ganun, na it’s a big issue. Naka-swimsuit na nga eh. Ano pa ba ang kailangan?” , dagdag pa niya.

Image by Paolo Ballesteros via Instagram


Nang siya ay tinanong kung kumpirmado na nga ba ito, ito ang kaniyang naging pahayag:
“Ay, hindi pa ba?”, sambit ni Paolo. Kahit pa nga mayroon siyang anak sa dati niyang nobya ay hindi naman din niya itinatagong mayroon siyang relasyon sa isang lalaki. Ilang mga larawan pa nga nila nang magkasama ang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Image by Paolo Ballesteros via Instagram



Ayon kay Paolo, hindi pa naman niya ito naipapaliwanag sa kaniyang unica hija dahil hindi pa din naman ito nagtatanong sa kaniya dahil sa bata pa ito at inosente pa talaga.
“Hindi naman (siya nagtatanong), kasi she’s a kid, she’s innocent and yet she gets it. So ‘yun ‘yung maganda do’n.”, pahayag ng Eat Bulaga host.

Source: VirtualPinoy