Mga sachet ng kape at iba pang plastik ginawang kapaki-pakinabang at magagandang pitaka ng isang grupo ng mga kababaihan!



Maraming mga plastic ang talaga namang inaabot ng mahahabang mga taon bago tuluyang mabulok, halos ang karamihan pa nga ay hindi na nabubulok pa at tuluyan na lang na bumabara sa mga kanal o pumapailalim sa mga karagatan, dagat, ilog, at sapa na nagiging isa na nga sa pinakamabigat na problema ngayon sa ating kapaligiran at buong mundo ay talaga namang naapektuhan na. Dahil na rin sa araw-araw ay halos puro plastic na nga ang ating ginagamit lalo na yaong mga “single-used” plastics.



Buti na lamang at mas marami nang mga tao ang nakakapansin nito at talaga namang marami na din ang nagnanais tumulong at makiisa sa ilang mga pribado at pangpublikong organisasyong mayroong magandang adbokasiya tungkol dito. Isang grupo ng mga kababaihan ang gumagawa ng mga nakakamanghang “handcrafted wallets” mula sa mga sachet ng plastic.


Isang netizen na nakilala bilang si Cathy Barcena Achacoso ang nagpaalala sa maraming mga Facebook users na huwag itapon ang kanilang mga plastic na sachet matapos nila itong gamitin. Dagdag pa niya ay siya mismo ang kukuha ng mga naipon na sachet sa kung sino man ang magnanais na makiisa at tumulong sa kainlang adbokasiya.


“Hi, friend! If you are a consumer of any of these products using sachets or something similar like these, please do not throw it. Kindly collect it. I am helping some women in their livelihood using recycled materials. We make beautiful wallets out of your trash. Hope you can help me spread this initiative among your family and friends,” ito ang post ni Achacoso. “Kindly collect it and send me a message where I can pick it up. I am helping some women in their livelihood using these recycled materials. We make beautiful wallets out of your trash. Hope you can help me spread this initiative among your family and friends. Thank you so much.” dagdag pa niya.





error: Content is protected !!