Anak ng isang mangingisda na nagviral noon bilang 2nd placer sa LET, may bagong bahay na ngayon!



Marahil ay marami pa sa atin ang nakakaalala sa isang anak ng mangingisda na nag-viral ilang taon na ang nakakaraan dahil sa lahat ng mga sumailalim sa Licensure Exam for Teachers (LET) noong Setyembre 2015 ay siya ang naging ikalawa sa lahat ng mga nanguna sa nasabing pagsusulit. At ngayon nga ay muli na naman niyang ginulat at pinamangha ang publiko dahil sa bagong bahay na kaniyang ipinatayo para sa kaniyang pamilya.



Si Iah Seraspi ay naging napakagandang inspirasyon para sa nakararami dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang tagumpay at maging ng mga naging pagsubok niya sa buhay hanggang sa nakamit na nga niya ang lahat ng kaniyang tinatamasang tagumpay ngayon.


“I came from a poor family. I am not telling you this to humiliate my family nor to get your sympathy. I just want you to realize how blessed you are if you were able to live a life better than mine,” pagbabahagi ni Iah.


“Since I started schooling, feeling ko mayaman na kami kapag nakapag-ulam akong noodles sa agahan kasi usually ang ulam ko ay chichiria, kape, asin, asukal o kahit ano basta lang may lasa ang aming kanin. Imagine the nutrition I get from those foods yet I am an achiever in school. Di naman nila makikita ang laman ng tiyan ko but they will definitely see the capacity of my brains.” Dagdag pa niya.


Dahil siya ay namulat na sa kahirapan noon pa man ay naging napakahalaga na sa kaniya ng edukasyon at dahil doon ay naging isa siyang “consistent honor student” habang siya ay nag-aaral. Dito nagsimula ang ilan sa napakarami niyang mga pangarap hindi lamang para sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Nakapasa din siya noon sa “entrance examination” sa “University of the Philippines” (UP), ngunit batid naman niyang hindi kakayanin ng kaniyang mahirap na pamilya ang magiging gastusin sa nasabing unibersidad. Kung kaya naman nag-enroll na lamang siya sa Romblon State University sa kanilang bayan.



Sa tulong ng pamilya Esquejos ng Looc ay nakapasok nga siya ng kolehiyo. Hindi naman binigo ni Iah ang pamilyang sumusuporta sa kaniyang pag-aaral dahil nagtapos siya ng cum laude sa kurso na Bachelor of Secondary Education (BSED) major in Biological Science. Dahil sa determinado siyang magtagumpay ay nagpokus siya sa pagrereview para sa LET sa tulong na rin ng Carl E. Balita Review Center (CBRC).

At lahat nga ng kaniyang pagsusumikap ay nagbunga dahil sa nakamit niya ang ikalawang pwesto sa ginanap na LET noong 2015 at nagkaroon siya ng marka na 90%. At sa ika-25 kaarawan nga niya ay ipinasilip niya ang bagong tagumpay ng kaniyang buhay, ay kanilang bagong bahay. Kung dati ay bahay kubo ang sinisilungan ng kaniyang pamiya, ngayon ay mayroon na silang maayos at magandang tahanan na talaga namang isa sa pinakamagandang biyaya sa kaniya ng Diyos.






error: Content is protected !!