Arci Muñoz naiyak nang aminin ang hiwalayan nila ng kaniyang nobyo na isang Chinese businessman!

Hindi na nga naiwasan pa ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz ang pagtulo ng kaniyang mga luha nang siya ay tanungin patungkol sa hiwalayan nila ng kaniyang nobyo na si Anthony Ng na isang Chinese na negosyante. Si Arce ay nagkaroon ng panayam kasama ang kaniyang kapwa artista na si JC Santos sa programang”Tonight With Boy Abunda” upang mag-promote ng kanilang pelikula na mayroong pamagat na “Open”.

Naging bahagi sa nasabing panayam ng dalawa ang pagtatanong sa mga ito patungkol sa kanilang mga karera at mga personal na buhay. Natanong ang aktres kung “single” ba siya ngayon, pabiro pa ngang sambit ng aktres na sana ay lapatan siya ng musika habang sinasagot niya ang tanong. Kumakanta pa nga siya ng theme song ng kanilang nalalapit na pelikula na may mga katagang “Sana sinabi mo, para ‘di na umasang may tayo pa sa huli.” Ngunit hindi na niya ito natapos pang kantahin ng tuluyan na siyang maiyak.
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at sinabing pinanatili niyang pribado ang kaniyang pribadong buhay kung kaya naman nais niyang maging ganoon na lamang ito. Taong 2017 nang isinapubliko nina Arci Muñoz at Anthony Ng ang kanilang relasyon. Sa hiwalay na interview ay inamin niya na hiwalay na nga sila at ilang buwan na ang nakakalipas. Dinagdag pa nito na mababaw lamang ang dahilan ng kanilang paghihiwalay

Nang muli siyang tanungin kung ang kaniyang trabaho ba sa showbiz ang dahilan nang kanilang paghihiwalayan ay agad naman niyang pinabulaanan ito na hindi ito ang naging rason ng kanilang paghihiwalay. Ayon pa sa kaniya, mula pa man noon ay batid na ng kaniyang nobyo ang kaniyang trabaho. Ang kanilang pag-iibigan ay talagang wala pa sa tamang panahon.

Sina Arci at JC ay magkakaroon ng pelikula sa ilalim ng Black Sheep Productions na mayroong pamagat na “Open” na isa sa mga pelikulang aabangan ng publiko sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na ipalalabas na ngayon Setyembre.



error: Content is protected !!