Lalaki bumili ng Lamborghini para sa kaniyang napupusuang babae, ngunit tinanggihan pa rin siya nito sa kaniyang wedding proposal!



Para sa iyo, mas mabuti nga ba na maging praktikal sa pagpapakasal kaysa sundin ang iyong puso at isipan? Marahil ay madalas na din ninyong naririnig sa mga nakatatanda na ang magandang mukha ay hindi makapagtataguyod nang isang pamilya, o maging ang mga salitang “Mahal Kita” ay hindi makakapaglaman sa kumakalam na sikmura.



Siya ngang tunay kung ating pagtutuunan ng pansin ng mabuti. Totoo naman na kung pag-ibig lamang o pagmamahalan lamang ang panghahawakan ng dalawang nagmamahalan ay hindi pa rin ito magiging matagumpay. Dahil sa paglipas ng mga panahon ay kakailanganin din talaga natin ng materyal na mga bagay lalo na nang pera sa pagbuo ng ating pamilya.


Ngunit sa kabila ng yaman at pera at lalaking ito ay tila hindi niya pa rin makuha ang matamis na oo ng kaniyang minamahal. Isang video ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagtanggi ng isang babae na magpakasal sa isang mayamang lalaki. Naghanda pa nga ng sorpresa ang lalaki hawak-hawak ang isang bouquet nang naggagandahang mga bulaklak, mga dekorasyon, at isang mamahaling sasakyan.


Ayon sa lalaki, kahit 100 araw pa lamang sila nagkakakilala ng Russian na babae ay hindi na ito maalis sa kaniyang isipan at talaga namang gustong gusto niya ito. Nais na niya itong pakasalan, ngunit hindi masaya ang babae kung kaya naman panay tanggi ito. Kahit pa nga binili na ng lalaki ang paboritong sasakyan ng babae na Lamborghini ay hindi pa rin nito nais magpakasal sa kaniya.


Kahit pa nga walang humpay sa hiyawan ang mga taong nakakasaksi sa nasabing proposal ay patuloy pa rin sa pagtanggi ang magandang dalaga at nagsabing hindi niya nais ang mga bagay na iniaalay ng lalaki sa kaniya. Nang hindi na makatiis ang dalaga sa kaniyang nasaksihan ay agad na itong umalis at nag-walk out sa lugar kung saan huli niyang sinambit ang mga katagang “ano naman kung mayaman ka. Dahil sa galit ng lalaki sa nangyari ay sinira niya lahat ng mga bagay na kaniyang inihanda para sa napupusuang babae.



Source: SouthChinaMorningPost




error: Content is protected !!