Lalaki na aakalain mo na siga, tumulong sa batang palaboy at binigyan pa ng pangbili ng gamot!



Aminin man natin o hindi, madalas na nahuhusgahan natin ang mga tao sa ating paligid base na rin sa kanilang pisikal na kaanyuan, sa istilo ng kanilang pananamit o maging sa kanilang pananalita. Sadyang nakasanayan na ng marami sa atin ang kaisipan na ang panglabas na anyo o pisikal na ayos ng isang tao ay tiyak na mayroon ding epekto sa kaniyang pag-uugali.



Madalas na iniiwasan natin ang mga taong marurungis o di kaya naman ay hindi presentable ang kaanyuan. Mayroon din namang mga tao na takot sa mga taong mayroong tatto sa katawan dahil sa pag-aakala na sila ay dating mga laman ng preso o di kaya naman ay mga taong nakakatakot kung magalit.

Lingid sa ating kaalaman ay hindi nasusukat ang pagiging isang tao sa panglabas na anyo ng kahit sino. Tulad na lamang ng isang lalaki na ito na aakalain mong siga dahil sa kaniyang mga tattoo sa katawan at sa kakaiba niyang istilo sa pananamit ngunit sa kabila ng mga ito ay talaga namang pinatunayan niyang isa siyang mabuting tao at matulungin sa kaniyang kapwa.
Ayon sa ibinahaging mga larawan ng Facebook page na Hanep TV, ang batang palaboy na nasa larawan ay namamalimos sa harap ng isang convenience store dahil sa diumano ay gutom na gutom na ito ngunit agad siyang itinataboy ng gwardiya paalis sa establisyemento dahil sa bawal na roon ang pamamalimos. Sakto namang dumaraan ang lalaki na ito na tumulong sa bata at pinagsabihan pa ang guwardiya. Agad nitong sinamahan ang batang palaboy sa isang fast food chain at ibilimo ng pagkain. Makalipas pa nito ay nag-abot pa ito ng pera na panggamot ng bata.


Ang nasabing post ay mayroon nang mahigit 6,200 na mga reaction, 380 na mga comments, at isang libong shares. Tunay ngang nakakamanghang malaman na marami sa ating mga Pilipino ang nagnanais tumulong sa kabila ng pisikal na anyo o katayuan ng isang tao sa lipunan. Ang mahalaga sa lahat ay ang mabuting kalooban na handang tumulong sa mga nangangailangan nang walang hinihintay na kahit ano pa mang kapalit.



Source: DefinitelyFilipino





error: Content is protected !!