Lamborghini na gawa mula sa mga pira-pirasong metal at lumang kahon, umani ng sari-saring komento at reaksyon!



Marahil marami sa atin ang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay at lupa, sasakyan at iba pang ari-arian. Ngunit hindi naman lahat ng mga tao ay biniyayaan ng pilak na kutsara sa kanilang mga bibig noong sila ay ipinanganak kung kaya naman para magkaroon ka ng pagkakataon na maisakatuparan ang mga pangarap na ito ay kinakailangan talagang magsumikap at magpursige sa buhay.



Kung kaya naman marami sa atin ang bata pa lamang ay binibigyan na nang kahalagahan ang pag-aaral, dahil ang pagtatapos ng kolehiyo o ang pagkakaroon ng diploma ay talaga namang magiging simula ng tagumpay sa buhay. Kasunod na nito ang pagkakaroon ng magandang trabaho na magiging malaking tulong sa pagtupad sa mga pangarap na ito hindi lamang para sa pangsariling pangarap kundi maging sa mga pangarap para sa pamilya at mga mahal sa buhay.


Pagdating sa mga sasakyan, marahil ay isa na sa pinakamahal na modelo ay ang Lamborghini. Bagamat marami ang mga tao na nagnanais na magkaroon ng ganitong uri ng sasakyan ay napakarami din naman ang hindi kayang bumili nito dahil sa ang isa nito ay nagkakahalaga ng tumataginting na $200,000.00! Ngunit tila walang imposible sa mga tao na ito na talagang gumawa ng isang Lamborghini mula sa mga pira-pirasong metal at lumang kahon.


Ang nasabing video ay ibinahagi ng Vietnamese YouTuber na Nhet TV ang isang lalaki na nagmamaneho sa likod ng manibela. Napansin naman ng marami na ang sasakyan na gawa sa metal at karton ay isa palang replika ng isang Lamborghini.


Mula sa disenyo nito hanggang sa hugis ay aakalain mo talaga na isa itong modelo ng Lhamborghini ngunit gawa nga lamang ito sa mga pira-pirasong metal at karton. Talaga namang nililingon ito ng maraming mga motorista at iba pang mga tao na nakakakita sa nasabing replika sa daan. Tunay ngang maraming mga labi ang nabigyan nito ng ngiti at mga pusong napasaya.






error: Content is protected !!