Sapin-sapin vendor nag-solve ng isang algebra problem tungkol sa complex fractions sa harap ng mga estudyante ng isang paaralang kaniyang pinaglalakuan!



Sa mga paaralan dito sa Pilipinas, ang sapin-sapin ang isa sa mga kakanin na kilalang-kilala ng mga Pilipino na malimit na itinitinda sa mga eskwelahan sa murang halaga. Marami ang mga nagnanais magtinda nito dahil sa madali itong maubos. Ngunit kakaiba sa mga sapin-sapin vendor ang viral na tinderong ito dahil bukod sa kaniyang ibinebentang kakanin ay talaga namang mamangha ka sa kaniyang mathematical skills.

Sa ibinahaging post ng isang Facebook user na si Manzanilla Eriká ay makikita ang mga larawan ng isang lalaki na mayroong maliit na batya sa kaniyang ulo laman ang kaniyang mga itinitindang kakanin. Noong una ay tila wala lamang ito sa mga estudyante dahil akala nila ay tipikal lamang na pagtitinda ito ng lalaki. Ngunit ikinabigla ng lahat ang pagsagot niya sa isang Math problem na nakasulat sa pisara.


Namangha ng lubusan ang mga mag-aaral dahil sa tama ang sagot ng tindero! Nagsimula na silang magtanong kung paano niya nasagot ang tila napakahirap na Math problem sa maraming mga estudyante. Kalaunan ay nakilala din ang kamangha-manghang tindero bilang si Norwin Del Rosario na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Education ngunit hindi siya nakapasa sa licensure examination. At habang nagrereview sita para sa pagkuha niyang muli ng exam ay nagtitinda na din muna siya ng kakanin upang makapag-ipon. At makalipas nga ang ilang buwan ay napagtagumpayan niyang maipasa ang nasabing pagsusulit at magiging isa na siyang ganap na guro.



Tunay nga na siya ay isang napakagandang ehemplo para sa maraming mga tao na hindi mo dapat husgahan ang isang tao ayon lamang sa kaniyang panglabas na kaanyuan o di kaya naman ay husgahan siya dahil sa kaniyang trabaho at mga kakayahan.

Mas mainam na kilalanin muna natin siya o di kaya naman ay hayaan natin siyang patunayan niya ang kaniyang sarili. Hindi rin naman natin malalaman ang kaniyang mga iniisip patungkol sa maraming mga bagay kung hindi natin siya hahayaang gawin ang kaniyang nais sa kaniyang pag-abot sa kaniyang mga pangarap.





error: Content is protected !!