Nakakakilig na anniversary message ni Hayden Kho sa misis na si Vicki: “My love will last forever!”



Kamakailan nga lamang ay ibinahagi sa social media ni Hayden Kho ang kaniyang wagas na pagmamahal para sa kaniyang misis na si Dra. Vicki Belo-Kho. Sa Instagram post ng mister na nagpakilig sa maraming mga netizen ay hindi na naitago pa ni Hayden ang pagmamahal sa kaniyang kabiyak. Ayon sa kaniya: “Two years of marriage and feeling more free than ever. Happy anniversary, my love.” Kasabay ng mga katagang ito ay ang pagbabahagi niya ng isang larawan nila na magkayakap at talaga namang kitang-kita ang kasiyahan at pag-ibig sa kanilang mga mata. Sa kaniyang Instagram stories naman ay nagbahagi din siya ng ilang mga larawan ng kanilang kasal noon.



Narito ang kaniyang naging caption” “Remembering #aKHOandMyBELOved. Years will go past but my love will forever last. Happy anniversary, my dearest.” Samantala, ang celebrity doctor naman na si Dra. Vicki Belo ay nagbahagi din ng isa sa pinaka hindi niya malilimutang sandal noong taong 2017 ilang araw bago sila ikasal ng mister. Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi niya ang larawan nila ng msiter na si Hayden at ang noon ay dalawang taong gulang nilang anak na si Scarlet Snow habang sila ay nasa isang cruise party.


“I couldn’t have asked for a more perfect night. Thank you Father for the gift of family. We’re ready for tonight!”, pagbabahagi ng doktora. Maging ang apat na taon na ngayong si Scarlet ay bumati rin sa kaniyang mga magulang sa anibersaryo ng kanilang kasal. “Happy anniversary, Mommy and Daddy! Do you still remember me as a 2yo flower girl? I was so small!”


Ilan pa sa kanilang mga kaibigan ang bumati sa kanilang dalawa para sa kanilang ikalawang taong kasal. Sila ay sina Ogie and Regine Velasquez-Alcasid, Tim Yap, Barbie Imperial at marami pang iba. Matatandaang nagkaroon ng enggrandeng Parisian wedding ang dalawa noong 2017 at kinilala pa nga bilang isa sa pinakaenggrandeng kasalan ng taon.





error: Content is protected !!