Yorme Isko Moreno, lumusong sa baha upang makita ang kalagayan ng mga taong naapektuhan ng labis na pag-ulan!



Sa panahon natin ngayon sadyang napakarami na nating nababalitaan at nasasaksihang mga korap na tao sa ating gobyerno. Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi na nga yata talaga mauubos ang mga taong nagnanais ng labis na kapangyarihan at katungkulan para lamang matugunan ang kanilang mga labis na personal na mga pangangailangan. Ngunit kahit pa nga naging talamak na ito sa ating pamahalaan ay tila mayroon pa rin namang mangilan-ngilang pulitiko o kawani ng gobyerno na ginawa ang kanilang tungkulin ng bukal sa kanilang mga puso.



Kagaya na lamang ni Mayor Isko Moreno ng Maynila na talaga namang patuloy at patuloy na nagsusumikap upang maging maayos, malinis, at matagumpay ng kaniyang nasasakupan. Sadyang napakarami na din niyang nagawa upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa kamaynilaan. Marami na din siyang mga proyektong naisakatuparan at talaga namang nabibigyan ng aksyon halos lahat sa mga ito.

Isa na nga marahil dito ang naging pagtatrabaho ni Mayor Isko sa Maynila para sa kaniyang nasasakupan. Dahil nga sa masamang panahon ay binaha ang isang lugar sa Maynila na binisita ng alkalde. At dahil nga dito ay hindi na nagdalawang isip pa si Mayor Isko na lumusong s baha upang makita ng personal ang kalagayan ng mga tao na kaniyang nasasakupan.




Talaga namang ikinabigla ng marami ang ginawa na ito ng alkalde na hindi naman talaga ginagawa ng mga tao na katulad niya na mayroong mataas na posisyon sa lokal na pamahalaan. Talaga namang hindi makapaniwal ang marami na gagawin ng isang alkalde ng bayan na lumusong sa baha na halos hanggang baywang na niya masiguro lamang ang tunay na kalagayan ng mga nasasakupan niya.


Hindi na nakapagtataka na labis labis ang pasasalamat sa kaniya ng maraming mga Manilenyo hindi lamang sa mga batas na kaniyang isinakatuparan kundi dahil na rin sa kaniyang pagiging mababa at matulungin sa maraming mga tao at talagang makikita mo sa kaniyang mga gawa ang kaniyang pagnanais na maging maayos ang Maynila na siyang sentro ng ating bansa. Talaga namang kahanga-hanga siya at isang napakagandang ehemplo sa iba pang mga lingkod bayan.




error: Content is protected !!