Carlo Aquino at Trina Candaza nagbahagi ng kanilang mga larawan na magkasama online para sa kaarawan ng aktor



Si Carlo Aquino ay kilala rin bilang si Carlo Jose Liwanag Aquino sa tunay na buhay. Siya ay 34 na taong gulang na aktor at musikero mula sa Quezon, City. Nakilala din siya bilang “lead singer” ng banda na “Kollide” at dating miyembro din ng JCS kasama sina John Prats at Stefano Mori. Siya ay kinilala at pinarangalan sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Bata, bata… paano ka ginawa?” taong 1998 kasama ang beteranang aktres na si Vilma Santos base na rin sa natatanging nobela ni Lualhati Bautista.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya muli sa social media dahil sa diumano ay pagpapa-asa nito sa dating nobya at on-screen partner na si Angelica Panganiban. At ngayon nga ay tila ipinapahayag na nila sa publiko ang kanilang tunay na relasyon. Ang nga espekulasyong ito na silang dalawa ay nagkakamabutihan na nga talaga ng modelo na si Trina Candaza ay nabigyang linaw nang makita ang mga sweet na larawang pinost ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts. Itinaon din nila ito sa ika-34 na taong kaarawan ng aktor nito lamang Martes, Setyembre 3. Bakas naman sa kanilang mga mata ang kaligayahan nila sa isa’t-isa.


Matatandaang naging kapanapanabik ang pagbabalij tambalan nh dating magkarelasyon na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Mayroon pa ngang mga sweet na mga video at mga larawan na kumalat sa social media kung kaya naman umasa at inakala ng marami nilang mga tagahanga at tagasuporta na madudugtungan ang naudlot nilang relasyon noon. Nagdiwang ng Pasko ang dalawa kapiling ang isa’t-isa noong 2018 at nagkaroon nga sila ng reunion movie na pinamagatang “Exes Baggage”.



Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari ay nauwi na lamang ito sa hindi pagkakaintindihan at sa paghihiwalayan matapos ng kanilang pelikula. In-unfollow pa nga diumano ni Angelica ang aktor sa social media. Hulyo nitong taon lamang ng umamin si Carlo na masaya sila ni Trina matapos silang makitang magkasama.

Source: Pep





error: Content is protected !!