Dawn Chang ibinahagi sa publiko ang masayang relasyon nila ng nobyong si Justin Cuyugan



Ang 30 taong gulang na dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Dawn Chang ay kinumpirma na nga ang kaniyang relasyon sa aktor na si Justin Cuyugan. Bagamat hindi na idinetalye pa ng sikat na host at vlogger kung kailan nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan ngunit ayon sa ilang mga ulat ay una sila ng nagkakakilala sa set ng longest-running Philippine action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya network.



Sa primetime hit series ay gumanap si Dawn bilang si Elaine, ang magandang dalaga na susunod na target ng isang human-trafficking syndicate. Habang si Justin naman ang gay makeup artist na tumulong sa karakter ng bidang si Coco Martin na si Cardo Dalisay upang maging si Madonna na ginampanan ni Cardo para sa kaniyang misyon.


Bago pa man isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon ay madalas nang mamataan ang isa’t-isa sa mga sweet na larawan at mga videos na ibinabahagi nila sa kani-kanilang social media. Sa naging panayam sa kaniya noon ni DJ Jhai Ho sa kaniyang online show na “Hotspot” noong nakaraang taon ay inamin ng host at dance na si Dawn ang tunay nilang relasyon ni Justin.


“Well, I guess, sa buong relationship naman ng dalawang tao, it’s always gonna be, ‘you get to know each other every day.’ But, yeah, I guess it’s safe for me to say that we’re together,” pahayag niya. Dagdag pa niya ay minahal niya ang aktor dahil sa pagiging maunawain nito at malawak na kaisipan.
“Puwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgment. Siya iyong taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin.” Ayon pa kay Dawn.


Ang relasyon ni Dawn kay Justin ang kauna-unahang relasyon na kinumpirma niya sa publiko matapos ng hiwalayan nila ng Australian boyfriend nito noong 2016. Ilan sa mga personalidad na na-link sa Umagang Kay Ganda host noon ay sina Arron Villaflor atHashtag member na si Zeus Collins, na dating Pinoy Big Brother 737 edition housemate din.






error: Content is protected !!