Categories: Viral

Isang European girl nagmahal sa isang Indonesian cleaner na nakilala niya sa isang singing app

Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga bago o kakaiba ang makakita ng relasyon ng dalawang tao na may malaking pagkakaiba sa lahi o kahit sa pisikal na kaanyuan. Lalo na ang ilang mga Asyano na nakakapangasawa ng mga taga-Europa o di kaya naman ay mga taga-Amerika at iba pang mga kalapit bansa.

Higit sa lahat ay marami na ding mga “dating apps” na laganap ngayon sa social media at talaga namang hindi na imposible ang magtagpo ang dalawang tao kahit magkalayo sila ng bansang pinanggalingan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang magkasintahana na ito matapos nilang magkakilala sa isang “singing app”. Pareho silang hindi naghahanap ng pag-ibig noon dahil sa hilig lamang talaga nila ang pagkanta gamit ang singing app na “Smule” ngunit nang nagkapareha sila sa pagkanta ng isang kanta ay hindi na napigilan pa ng dalawa ang kanilang damdamin at nahulog na sila sa isa’t-isa. Ito ay nangyari kina Bambang “Awan” Irawan at Arzum Balli noong taong 2016.

Si Arzum ay nakatira sa Austria at talaga namang nabighani siya agad kay Awan at hindi na nagdalawang isip pang sabihin ang tunay niyang nadarama sa lalaki. Kahit pa nga seryoso sya sa kaniyang mga sinambit ay inakala ng “Indonesian cleaner” na nagbibiro lamang ang magandang dilag. At higit pa roon ay nakasanayan na niya ang lokohin at balewalain ng mga kababaihan sa kanilang lugar dahil sa kaniyang trabaho na isang tagapaglinis.


Sa kabila ng distansya ng dalawa sa isa’t-isa ay hindi napigilan ang dalawa sa kanilang wagas na pagmamahalan. Kahit pa nga 13,000 kilometro ang layo ng Austria sa lugar ni Awan na South Jakarta, Indonesia ay pinatunayan niyang mahal niya talaga ang lalaki kahit pa nga minamaliit ng marami ang kaniyang trabaho.

Hadlang man ang pamilya ni Awan sa kanilang pagmamahalan ay pinatunayan nito na tunay ang kanilang pagmamahalan. Agosto 18 naman ng ipinagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib sa Cilandak, South Jakarta sa isang simpleng seremonya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago