KC Concepcion nagsalita na patungkol sa komento sa kaniya na mukha siyang payaso at retokada!



Napagdesisyunan na nga ni KC Concepcion na sagutin ang mga negatibo at masasakit na komento sa kaniya ng ilang mga netizens patungkol sa kaniyang hitsura. Kahit pa nga hindi na siya madalas mapanuod sa telebisyon ay nananatili pa rin siyang aktibo sa social media. Kadalasan siyang nagbabahagi ng mga larawan ng kaniyang mga biyahe, ng kaniyang jewelry business, pamilya at mga endorsements.



Kamakailan lamang ay nagbahagi nga siya ng isang larawan at nilagyan niya ito ng caption na:
“Sometimes I love me a red lipstick. Who else had a crazy fun Saturday night?”. Ang nasabing larawan ay umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa kaniyang mga tagahanga ngunit ito rin ay umani ng ilang mga negatibong komento mula sa ibang mga netizens. Ilan sa kanila ang nagpahayag ng kaniyang opinyon na ibang-iba na ang hitsura ni KC ngayon na tila nagpagawa na rin ng plastic surgery o nagparetoke.


Nagbigay naman ng komento niya pabalik sa isang netizen si KC na nagsabi sa kaniya ng tila nagparetoke siya at sumailalim sa “chin and cheek reconstruction”. “Halata eh. Ang ganda mo na sana noon,” pahayag ng netizen. Itinanggi naman ito ni KC at sinabing, “Oh wow! No, but I’ll take that as a compliment THANK YOU.”






Ngunit hindi pa pala yun ang katapusan ng mga masasakit na komento ng ilang mga netizen para sa dating aktres at mang-aawit. Dahil bukod sa pagpaparetoke ay sinabihan pa siyang mukhang payaso. Netizen: “Mukha ka na clown sa kapal ng make up mo. Sorry for the comment, beautiful ka pa naman.” KC: “Ang ziiiiweet mo!”, tinawanan lamang ito ni KC.




Talaga namang hingaan din ng marami si KC dahil sa hindi niya pagpatol sa mga mapanirang komento ng ilang mga netizens na ito. Samantala, lumipad pauwi ng Pinas mula sa New York si KC upang ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang nakababatang kapatid na si Miel na tinatawag niya ding “ball of sunshine”.






error: Content is protected !!