Matandang tindero nabigyan ng libreng milk tea, nagpamigay din ng libreng tinda niya sa iba!



Isang matandang tindero ang nabigyan ng isang libreng milk tea at talaga namang na-enjoy niya ang kauna-unahang pagtikim niya dito. At dahil nga labis siyang nasiyahan at nagalak sa libreng milk tea na ito ay ibinahagi din niya ang kaniyang mga panindang walis at iba pang panglinis.



Naging viral ang lolo na ito matapos may makakita sa kaniyang tumitingin sa mga menu items na itinitinda ng “Cabin Brew Milk Tea” sa Dasmariñas, Cavite. Ang lalaking bumili ng isang cup ng milk tea para sa matanda ay hindi na pinangalanan pa ng milk tea store na nagbahagi ng viral post na ito. Nabanggit din ng matanda na tinitingnan lamang niya ang listahan ng mga milk tea dahil sa hindi naman niya kayang bumili nito at ito ay pangmayaman.


Pag-amin pa ng matanda ay hindi pa siya nakakatikim ng milk tea noon pa man at dahil nga sa isang lalaki na mayroong mabuting puso na binilhan siya nito ay natikman niya ang lasa ng sikat na inumin. Ayon pa sa matanda ay sinabihan siya ng lalaki na pumili ng pinakamahal sa listahan upang ma-enjoy ng matanda ang unang tikim nito ng milk tea.


Ayon sa post, pinili ng matanda ang dark chocolate variant ng milk tea at talaga namang halatang-halata sa mga sumunod na larawan na nasarapan siya sa inumin. Marahil ay marami sa atin ngayon ang nakakatikim at nakakabili ng mga ganitong uri ng inumin araw-araw o kung kailan natin gustuhin ngunit para sa isang katulad ng matandang tindero na ito ay talaga namang isa itong espesyal at hindi malilimutang araw.



Nakakamangha na mayroon pa palang mga uri ng tao na hindi na pangangalandakan pa sa publiko ang kaniyang pagmamagandang loob o ang kabutihang nagawa niya sa kaniyang kapwa lalo na ngayon na laganap na ang social media at mga high-tech na gadget. Isang click lamang sa cellphone camera at post sa social media ay talaga namang aani na ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.




error: Content is protected !!