Pia Wurtzbach nabighani sa kagandahan ng Tinago Falls sa Iligan City



Marami sa ating mga Pilipino ngayon ang talaga namang nabibighani sa napakadaming magagandang lugar dito sa ating bansa. Hindi na nakapagtataka na mas maraming mga Pilipino ang nagnanais na malibot pa at maranasan ang likas na kagandahan ng Pilipinas dahil sa mga naggagandahang lugar na ito. Kagaya na lamang ng beauty queen titleholder na si Pia Wurtzbach.



Si Pia Alonzo Wurtzbach, ay mas kilala ng publiko bilang si Pia Romero sa industriya ng show business at maging sa industriya ng pagmomodelo. Siya ay 29 na taong gulang na Filipina-German na modelo, aktres, at nakoronahan bilang Miss Universe 2015 noong Disyembre 20, 2015.


Kamakailan nga lamang ay na-enjoy ng Kapamilya star ang kaniyang bakasyon at pamamahinga at talaga namang namangha siya sa napakagandang Tinago Falls na kaniyang pinuntahan. Nagtungo rin siya sa Iligan City upang bisitahin ang kaniyang mga kamag-anak doon. Ayon pa sa kaniya hindi naman talaga niya inaakala na mapapahanga at mapapabilib siya ng nasabing talon.


Nagbahagi siya ng kaniyang larawan sa social media at sinabi niya sa kaniyang post na:
“Drove to Iligan City to be with my family and my cousin insisted that we see Tinago Falls. I’m always down for a little adventure but didn’t expect to see this beauty right here! Wow. We were greeted by a rainbow too.”



Pinabilib din naman niya ang kaniyang mga tagahanga dahil sa mga trivia na alam niya tungkol sa lugar.
“This is just 1 of 24 waterfalls that can be found in Iligan City. No wonder they call it the city of majestic waterfalls.”
Nagkomento naman dito ang kaniyang kaibigan at kapwa artista na si KC Concepcion.
“Gaahh. That’s a beautiful spot! Filmed a scene from “Forever and a Day” there! Soak it in.” aniya.

“It really is so beautiful. A perfect spot to film a movie.” Sagot naman ni Pia.

Isang tagahanga rin ang nagpahayag ng kaniyang paghanga kay Pia at sinabing:
“Kayang kaya! Pero mukhang di ko pwede isama parents ko dito. May edad na sila at mahihirapan umakyat. Hehe” May isa pang netizen na pabiro pang nagkomento kung paano niya nahanap ang lugar kung ito ay tinago naman pala?



Ito naman ang naging sagot ng matalinong si Pia, “Pag tinago ba ibig sabihin hindi na mahahanap kailan man? Tinapos ang tawag doon. Lol.”




error: Content is protected !!