Dimples Romana ipinasilip sa publiko ang kaniyang ika-sampung real estate property!



Kadenang Ginto Star Dimples Romana masayang ibinahagi kamakailan lamang sa kaniyang mga Instagram followers ang pinakabago sa kaniyang mga pinagpaguran na ari-arian , ang kaniyang bagong commercial building. Sa Instagram ng aktres ay ibinahagi niya ang kaniyang tagumpay ng mayroong pagpapakumbaba dahil ang mga biyaya na ito na kaniyang natatanggap ay bunga ng kaniyang pagsusumikap at pagdarasal, at tunay nga na ang mga pangarap ay nagkakatotoo.



“Today is a very special day. After months of construction of our very first commercial property, na-bless na! Last year, binibiro ko si Lord, Sabi ko, ‘Lord, building na lang po ang wala kami.’ Naalala ko ang Diyos ang tunay na nakakaalam ng puso natin. You may be judged, talked about, pulled down but He is the only one who knows your true intentions and your heart. And He will bless you accordingly,” pahayag ng aktres.

Ayon pa sa aktres lubos niyang ipinagpapasalamat ang mga biyayang natatamo niya sa kaniyang pagtatatrabaho kung kaya naman kahit maliit o malaking eksena para sa kaniya ay mahalaga.
“mapa-isa man or maraming eksena ko sa trabaho, bida o kontrabida, big or small role, okay lahat sa ‘kin.”, dagdag pa ng aktres.
Ibinahagi din ng aktres na ang pagpapahalaga niya para sa kaniyang trabaho ay parang pagpapahalaga niya din sa kaniyang pamilya. Pareho ang kaniyang pag-aalaga, pagmamahal, at respeto sa dalawang ito. Ibinunyag din niya na mula pa nang ikasal silang mag-asawa ay nagsimula na silang mag-impok at mamuhunan sa ilang mga ari-arian 16 na taon na ang nakararaan kung kaya naman sa ngayon ay mayroon na silang sampung mga real estate properties.




Nakapag-invest na sila sa dalawang condominium units, apat na mga bahay at isa na sa mga ito ang bahay ng kaniyang ina, isang beachfront property sa Palawan, isang bukirin bahay bakasyunan sa Cavite at isang mango farm at avocado farm sa Batangas. “Tuloy lang ang labn, kahit na mahirap, kahit na parang imposible, kahit na pa-give up na kayo. We are always tested the hardest when something great is about to be given to us.”, pagbibigay payo niya sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

Tunay ngang walang imposible sa taong nagpupursige at mayroong pananampalataya sa Diyos. Talaga namang nagsilbi siyang isang magandang halimbawa at inspirasyon para sa nakararami.




error: Content is protected !!