Isang matandang babae na nagtatrabaho bilang isang elevator operator pumukaw sa atensyon ng publiko



Isang simple ngunit hindi malilimutang post ang ibinahagi ng isang netizen na ito matapos mag-viral ang larawan na ito ng isang matandang babae na nagtatrabaho. Sa kabila ng kaniyang edad ay hinahayaan pa ring mabigyan ng pagkakataon na magtrabaho ang matandang babae na ito. Ngunit ang higit na pumukaw sa atensyon ng publiko ay ang napakagandang mensahe na ibinahagi ng nag-post ng larawang ito.



Sa Facebook post ni Nicole Espero ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan ng matandang babae na nagtatrabaho bilang isang elevator operator sa Centro Escolar University (CEU) sa Mendiola, Maynila. Tunay ngang nakakatuwa pa ring malaman na hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring mga establisyemento at kompanyang nagbibigay pagkakataon sa mga tao na makapagtrabaho nang hindi tinitingnan ang kanilang edad.


Ayon pa sa nag-viral na post ni Nicole, nakilala niya ang matandang babae sa loob ng elevator ng ISC building noong Setyembre 2. Nasorpresa siya ng biglang magsalita ang matandang babae at sinabing unang araw niya ngayon sa trabaho nang may ngiti pa sa kaniyang mga labi.
Ito ang naging pahayag ni Nicole sa kaniyang post:
“Thank you CEU for making her happy and for giving her a chance to work and earn kahit na may edad na si nanay and feel ko yung saya ni nanay. Kudos to CEU sa pagbibigay kay nanay ng trabaho!”


Naramdaman nga ni Nicole ang labis na kasiyahan sa mga mata ng matandang babae kung kaya naman pinuri niya ang CEU sa pagbibigay ng pagkakataon sa kaniya na makapagtrabaho. Maraming mga netizen din naman ang nagpahayag ng kanilang labis na pasasalamat sa CEU dahil sa pagsisimula nitong tumanggap ng mga senior citizen bilang mga empleyado kahit pa nga katulad na ni nanay na matanda na o kung tawagin nga ng marami ay paretiro na. ang nasabing post ay mayroon nang 5,400 na mga likes at higit sa 2,000 na mga shares sa Facebook.




error: Content is protected !!