John Prats, “stage father” sa kanyang anak na si Lilly Feather!



Mayroong kasabihan ang marami sa atin na madali raw maging isang ama ngunit mahirap ang magpaka-ama sa iyong mga anak. Para sa aktor na si John Prats ay masaya siyang maging isang hands-on dad sa kaniyang anak na si Lilly Feather. Sa Instagram, ibinahagi ni Isabel Oli ang larawan na kuha niya habang tila nagpapaka-stage father ang mister na si John Prats. Sa nasabing larawan ay tila inaayos ni John Prats ang costume ng anak nito para sa selebrasyon ng “Buwan ng Wika” sa kanilang paaralan.



Hindi na nga napigilan pa ni Isabel Oli, misis ni John Prats na ipahayag ang labis na paghanga nito sa kaniyang asawa. Ito ang naging caption niya sa napakagandang larawan ng kaniyang mag-ama, “My proud hubby or shall I say stage father? How I love this shot! Pretty sums up how caring my hubby is! We love you, our super Papa.”


Ngunit tila isang napaka-supportive na ina din naman ng aktres dahil sa nakuhanan din siya ng larawan ng kaniyang mister habang nakaluhod upang kuhanan ng larawan ang kaniyang anak sa entablado.


Sina John Prats at Isabel Oli ay mga magulang na ngayon sa dalawang mga bata, sina Feather at Freedom. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya patungkol sa kung paano siya binago ng pagiging isang ama. Sa ngayon ay sinasamantala nila ang mga pagkakataon at bonding moments nila kasama ang 3 taong gulang na si Feather at ng siyam na buwang gulang na si Daniel Freedom.


Ayon pa sa Kapamilya actor, ang pagiging isang ama ay talaga namang bumago sa kaniyang buhay kung saan natagpuan niya ang kaniyang kahalagahan sa mundo lalo na upang magabayan ang kaniyang mga anak sa kanilang paglaki bilang mabubuting mga bata.



Ang pagiging isang ama ay isang malaking responsibilidad para sa kaniya lalo na ngayon na dalawang mga bata ang kanilang ginagabayan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Dagdag pa ng aktor at host, nais niya talagang maging isang “cool dad” para sa kaniyang mga anak kung kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa misis na si Isabel dahil siya ang madalas na nagdidisiplina sa mga anak nila.






error: Content is protected !!