Kahanga-hangang anak, ipinagpatayo ang kaniyang ama ng 2-storey dream house nito!



Siya ay lumaki sa isang bahay kubo na mayroong bubong na sira at tinutuluan ng tubig-ulan sa tuwing umuulan. Madalas niyang nakikita ang kaniyang ama na gumuguhit at nagpaplano ng kaniyang pangarap na dalawang palapag na bahay na mayroong “terrace”. At nang nagkaroon na siya ng trabaho ay sinigurado niyang maipagpapatayo niya ng tahanan ang kaniyang mahal na ama kahit pa nga pinapayuhan siya ng kaniyang mga katrabahong huwag munang ituloy ang binabalak dahil sa diumano ay “passive income” ito.



Siya ay nakilala bilang si Randy N. Oliverio, ibinahagi niya ang kaniyang nakakamanghang kwento patungkol sa pagtupad niya sa pangarap ng kaniyang ama na bahay. Ayon sa kaniyang mga katrabaho, hindi mainam na investment ang bahay na ipapagawa niya dahil sa passive income ito o yung hindi naman kumikita at walang return of investment ngunit sabi naman niya sa kaniyang mga katrabaho ay mas higit ang saya at ligaya na nakikita niya sa kaniyang mga magulang kaysa sa kahit sa gaano pa kalaking pera.

Si Oliverio at mula sa San Antonio, Northern Samar ngunit ngayon ay nakabase na siya sa Maynila at nagtatrabaho siya bilanh isang Property Specialist sa Avida Land Corp. Tunay ngang naging isang napakagandang kwento ng kaniyang pagmamahal para sa kaniyang magulang na bago siya lumagay sa tahimik at magkaroon ng sarili niyang pamilya ay pinaglaanan niya ng panahon na matupad ang pangarap ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang ama na magkaroon ng sariling tahanan na dalawang palapag at mayroon ding terrace. Ang kagalakang nadarama ng kaniyang mga magulang ay tiyak na di nila makakalimutan hanggang sa kanilang pagtanda na mayroon silang isang anak na talaga namang nagsumikap upang maisakatuparan ang kanilang pangarap.


Tiyak na marami pang mga anak ang magnanais na bigyang-katuparan ang hiling o ang pangarap ng kanilang mga magulang. Marahil sa panahon ngayon ay hindi na natin sila nabibigyan ng oras at panahon ngunit sana ay hindi rin natin makalimutan na sa ating paglaki bilang mga anak nila ay tumatanda din sila bilang ating mga magulang.





error: Content is protected !!