Pinay sa Abu Dhabi nanalo ng katumbas ng P142 milyong piso sa isang raffle!



Tunay ngang hindi mo inaasahan ang mga biyaya at pagpapala na iyong matatanggap sa iyong buhay. Maaaring hindi mo inaasahan ngunit magugulat ka na lang na para sa iyo pala talaga ito. Tulad na lamang ng isang Pinay na naninirahan sa Dubai. Hindi niya inakala na siya ay papalarin na manalo ng grand prize sa Big Ticket Abu Dhabi raffle na mayroong halagang 10 million Dirhams o halos katumbas na ng P142 milyong piso.



Ang mapalad na Pinay ay nakilala bilang si Marelie David na may 29 taon nang naninirahan sa Dubai kasama ang kaniyang pamilya. Ang monthly raffle draw ng Big Ticket ay ginanap sa Abu Dhabi International Airport noong Martes, ika-3 ng Setyembre. Ang numero na nabunot para sa 10 million Dirhams Grand Prize ay 172193 at nakasulat din ang pangalan ni Marelie at ang bansa na kaniyang pinagmulan, ang Pilipinas. Talaga namang nabigla ang Pinay at ang kaniyang pamilya nang tawagan sila sa telepono dahil sa nanalo sila mismo ng grand prize.


“I think you are not teasing me because people call and tease about such prizes,” sambit niya sa kausap sa telepono na kinilalang si Richard, ang Big Ticket Raffle host. “Thank you so much. This is a big blessing. Timing is perfect…it’s going to be December soon,” dagdag pa ng masuwerteng Pilipina na ugali na rin talaga ang pahsi sa nasabing raffle buwan buwan.


Ibinunyag din niyang sampu silang magkakaibigan na maghahati-hati sa pera na kanilang napanalunan dahil sa hati-hati rin silang bumili ng raffle ticket. Bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng 1 million Dirhams. Plano ni Marelie na ipagpatayo ng bahay ang kaniyang anak na magdiriwang ng ika-11 kaarawan niya ngayong buwan. Nais din niyang makatulong sa pagpapatayo ng simbahan sa kaniyang kinalakhan lugar sa Maynila, sa siyudad ng Pasig. Bukod kay Marelie ay nanalo din ng 50,000 Dirhams si Lamberto E. Corpus Jr. na isa ding Pinoy.





error: Content is protected !!