Jinkee Pacquiao: Todo pa rin ang pagtatrabaho at pagpasok sa mga negosyo at endorsements sa kabila ng matagumpay at mayamang buhay nito



Si Jinkee Capeña Pacquiao ay mas nakilala ng publiko bilang si Jinkee Pacquiao. Siya ay 40 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at film producer mula sa General Santos City. Siya ay nahalal din noon bilang bise-gobernadora ng Sarangani, Mindanao mula 2013 hanggang 2016. Matapos ang kaniyang una at huling termino sa pulitika ay mas minabuti na niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya.



Siya ay ang misis ng Pambansang Kamao at “Fighting Senator na si Manny Pacquiao. Nagkakilala sila ni Pacquiao habang siya ay nagtatrabaho noon bilang isang beauty consultant, taong 2000 naman nang ikasal sila at biyayaan ng limang mga anak. Ang kanilang limang mga anak ay sina Emmanuel Jr. o mas kilala din naman ng publiko bilang si Jimuel, si Michael Stephen, Mary Divine Grace o kilala din bilang si Princess, si Queen Elizabeth o si Queenie at si Israel. Ang anak nila na si Queenie ay isinilang sa Estados, Unidos.


Hindi lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino ang hirap na kanilang pinagdaan noong nagsisimula pa lamang sila. Sinong mag-aakala na isa na sila ngayon sa pinakahinahangaang pamilya hindi lamang dahil sa kanilang kasikatan kung hindi dahil na rin sa matagumpay nilang mga negosyo at napakaraming mga ari-arian. Kahit pa nga marami na silang mga ari-arian ay hindi pa rin nauubusan ng mga trabaho at endorsements ang magandang may bahay ni Senator Pacquiao.






Ayon nga sa maraming mga netizens sadyang bumubuhos ang mga pagpapala at biyaya sa buhay ng pamilya Pacquiao. Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan aang misis ng Pambansang Kamao sa kaniyang social media account kung saan makikita ang iba’t-ibang mga endorsements ni Jinkee.




Gayundin naman ay marami ding mga bagong endorsement ng panganay nila na si Jimuel dahil na rin sa sunod-sunod na pagkapanalo nito sa pagsabak niya sa pagboboksing.






error: Content is protected !!