Katrina Halili: Ipinasilip ang bagong interior ng kaniyang bagong gawang tahanan



Si Maria Katrina Iren Pe Halili o mas kilala ng marami bilang si Katrina Halili ay 33 taong gulang na aktres, modelo, at negosyante. Siya ay naging parte din ng reality talent competition na Starstruck. Matapos nito ay nakilala siya sa kaniyang mga natatanging pagganap sa ilang mga sikat na programa sa telebisyon at ilang mga pelikula.



Siya ay tinagurian bilang “Primera Kontrabida ng Pilipinas” noong taong 2017. Siya ay mayroong isang anak sa dating nobyo na si Kris Lawrence na pinangalanan nilang Katrence Lawrence Halili Cadevida. Ang kaniyang anak ay isinilng niya noong Setyembre 18, 2012 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. Kahit pa nga naghiwalay silang dalawa ay nanatili pa rin silang mabubuting mga magulang sa kanilang anak.


Kamakailan nga lamang ay ipinasilip ng mahusay na aktres ang bagong interior ng kaniyang magandang tahanan sa publiko. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa kaniya sa pagpapaganda ng kaniyang tahanan.


Pinasalamatan niya din ang celebrity manager na si Van Sayosa dahil sa bahay muna niya sila tumuloy nang halos dalawang buwan habang tinatapos ang paggawa sa interior ng kaniyang tahanan.



At talaga namang umani ito ng maraming papuri mula sa mga tagahanga at tagasuporta ng aktres. Hinangaan ng marami ang mabuting pag-iinvest nito ng mga ari-arian hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para na rin sa kaniyang anak na si Katrence.


Tunay ngang marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Ngunit hindi dapat tayo panghinaan ng loob o di kaya naman ay mawalan ng pag-asa sa mga pagsubok na ating pinagdaraanan sa buhay dahil sa darating din ang tamang panahon para sa atin at makakamit din natin ang tagumpay na ating inaasam para sa ating sarili at maging para sa ating mga mahal sa buhay. Kagaya na lamang ng aktres na si Katrina Halili.




error: Content is protected !!