Manny Pacquiao hinikayat ang ibang mayayaman na tumulong din sa mahihirap kahit mag-ambagan pa sila!



Kamakailan lamang ay pinuri ng maraming mga Pilipino ang naging pahayag ni Fighting Senator Manny Pacquiao patungkol sa dapat sana ay pagtulong pa ng maraming mga mayayamang pamilya sa mga mahihirap na Pilipino. Siya ay kilalang Kristiyano at ibinahagi nito sa kaniyang talumpati na sana ay hindi na magdalawang-isip pa sa pagtulong sa mahihirapan. Dagdag pa niya at maaari silang mag-ambagan o magtulong-tulong upang mas makatulong pa sa maraming nangangailangan.



“Lahat sana and I’m praying to God na lahat ng mayayaman, lahat ng may pera, mag-ambag-ambag tayo. Kawanggawa na lang tayo. Tulungan na natin ‘yung mga mahihirap. Bigay tayo kung ano ‘yung tulong na dapat magawa natin. Yung pera natin hindi natin madala sa libingan,” pahayag ng legendary boxer na si Manny Pacquiao.


Ayon pa sa bilyonaryo na nagmula sa kahirapan ay isa na ngayon sa pinakamayaman at pinakamatagumpay na Pilipino sa ating bansa at maging sa buong mundo, nahihirapan siyang makita na ang mga programa para sa mahihirap ay kinukutya pa ng marami. “Nasasaktan ako pagka-binabatikos ‘yung mga programa para sa kanila. Dahil d’yan ako galing eh. D’yan ako galing sa pagiging mahirap, ‘yung walang makain sa isang araw. Naranasan ko ‘yun.” Sambit niya.



Ayon pa sa kaniya, ang lahat ng kaniyang kinitang salapi ay walang halaga kung hindi rin naman ito maitutulong sa mga nangangailangan.
“Kaya ako ano man ang narating ko, ano man ang pera, ano man ang halaga nakamtan ko sa buhay, hindi mahalaga para sa akin ‘yan. Ang importante makatulong ako sa taong bayan, makatulong ako sa kapwa ko.” pahayag pa ng Senador.


Kamakailan lamang ay kinuwestyon ni Senador Manny Pacquiao ang 1st District Representative ng Albay na si Edcel Lagman dahil sa pagbatikos nito sa mga “Malasakit Center” na proyekto ni Senador Christopher “Bong” Go na makakatulong sa maraming mahihirap pagdating sa tulong pinansyal para sa kanila.

Source: VirtualPinoy




error: Content is protected !!