Babaeng sumakay ng taxi na hindi na nga nagbayad ay galit pa kinuhanan ng video ng driver, viral ngayon online!



Sa Pilipinas, nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang sumakay ng dyip sa tuwing papasok sa paaralan o sa trabaho dahil na rin sa mas murang pamasahe dito. Talaga namang mas mura ang pagsakay sa mga dyip kaysa sa mga taxi at maging sa mga kompanya tulad na lamang ng “Grab”.



Ngunit kamakailan nga lamang ay kumalat sa social media ang video na ito ng isang babae na sumakay sa isang taxi ngunit nang nakarating na sa kaniyang destinasyon ay wala naman pala siyang pera na maibabayad sa kawawang driver.


Ang halaga ng nakonsumong metro ng babae na sumakay sa taxi ay P130.00 ngunit sa halip na magbayad ng halagang ito ay barya lamang ang ibinigay ng babae sa pagod na driver na nagkakahalaga lamang ng pitong piso! Ayon pa sa tila galit pa na pasahero ay bibigyan na lamang niya ang driver ng barya para pang-paswerte dahil sa walang wala talaga siyang pera. At talaga namang nakakagalit ang ginawang iyon ng babae! Mapapansing galit na galit ang driver ngunit talagang nagawa nitong makapagtimpi pa sa kabila nang kagaspangan ng ugali at nakakapag-init ng ulong ginawa sa kaniya ng babaeng pasahero.


Maririnig din sa video na tila nagrereklamo pa ang babae patungkol sa kaniyang buhay at tila nagnanais pang gawan ng masama ang sariling buhay nito. Makalipas ang ilan pang minuto ay bumaba na rin ang babae sa taxi habang binabanggit ang mga salitang mayroon talagang mga taong nanamantala ng ibang tao ngunit tila hindi niya yata naisip na naagrabyado niya rin ang driver ng taxi na kaniyang nasakyan na nagtatrabaho lamang ng maayos.


Inulan naman ng napakaraming mga komento ang nasabing post. Maraming mga netizen ang humanga sa pagiging kalmado at pagtitimpi ng driver ng taxi kahit pa nga siya ang nawalan sa pangyayaring ito. Sana ay hindi na ito maulit pa sa ibang mga driver na nagnanais lamang maghanap-buhay ng maayos para sa kanilang mga anak at sa kanilang mahal na pamilya.






error: Content is protected !!