Isang dambuhalang Lapu-Lapu nahuli ng mga mangingisda sa Antique!



Ang Pilipinas ay isa sa pinakamagandang bansa sa buong mundo, ayon na rin sa ilang mga banyagang nakakasaksi at nakakaranas sa angking kagandahan ng ating bayan. Sa katunayan pa nga ay marami nang mga banyaga ang nagdesisyong manirahan na sa Pilipinas ng permanente at magtayo ng sarili nilang mga bahay, ari-arian, at mga negosyo.



Sadyang marami talaga ang napapamahal sa ating bayan. Bukod pa sa mayaman nating tradisyon at kultura ay masagana dun tayo sa iba’t-ibang mga halaman, mga hayop, at mga yamang-dagat. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit maraming mga bansa ang nagnanais na makahuli ng ilang mga yamang dagat sa ating karagatan.


Kamakailan lamang ay nagulat ang mga residente ng Culasi sa Antique dahil sa dambuhalang isda ba nahuli ng mga mangingisda sa kanilang katubigan. Isa ang pangingisda sa ikinabubuhay ng maraming mga Pilipino sa iba’t-ibang probinsiya. Kadalasang binibili ng mga mamahaling hotel at establisyemento ang mga sariwang isda na nahuhuli ng mga Pilipinong mangingisda ay mayroon pa ngang ilang mga banyagang bansa tulad nang Hong Kong at Singapore ang naghahain ng isdang “Lapu-Lapu” o Leopard Coral Trout sa kanilang mga 5-star hotels at ang halaga nga nito ay umaabot kadalasan ng 150 dollars.


Ang mga isdang Lapu-Lapu o “Buan” sa lokal na tawag ng mga taga-Antique ay isa sa pinakamalasa at pinakamahal na isda na madalas mahuli sa kanilang karagatan. Kung kaya naman laking gulat ng mga residente ng makahuli ng 147 kilo ng Lapu-Lapu kamakailan lamang. Ngunit hindi pala ito ang kauna-unahang beses na makahuli ng dambuhalang isda sa kanilang katubigan dahil taong 2015 lamang ng nakahuli ng 7 talampakang Lapu-Lapu na may bigat na 176 kilo ang mga taga-Antique bukod pa ang nahuli sa Puerto Princesa, Palawan noong 2017. Agad namang binili ng isang hindi nagpakilalang buyer ang higanteng Lapu-Lapu. Pinaniniwalaang lumaki ng sobra ang mga isda dahil sa pagpapanukala ng Palawan Council of Sustainable Development.





error: Content is protected !!