Maymay Entrata, nag-audition sa New York Fashion Week!



Nasorpresa ang mga tagahanga at tagasuporta ng Kapamilya young star na si Maymay Entrata sa pag-audition nito para sa isang modeling stint sa New York Fashion Week. Ibinahagi ng aktres na hindi naging madali para sa kaniya ang pagsubok sa prestihiyosong show ngunit hindi rin naman siya nawawalan ng pag-asa na magiging positibo ang resulta nito. “Nag-audition po ako sa New York Fashion Week. Hindi po biro kasi ‘yun, so hindi ko pa po talaga alam kung sakaling matutuloy po ‘yun.”, pahayag ni Maymay.



Maaalala noon na si Maymay ay sumabak na din sa rampahan sa nakaraang Arab Fashion Week para sa Dubai-based fashion designer na si Furne One. Ibinunyag din ng Pinoy Big Brother Winner na matapos ng pagrampa niya sa Arab Fashion Week ay agad siyang tinanong kung maaari siyang mag-live audition para sa mga executives ng New York Fashion Week.
“Iyong designer pa rin po si Ms. Furne One, parang online po. Bale pinost lang po ‘yung audition ko. Live po ‘yun, hindi lang si Ms. Furne One [ang nandoon] kundi ‘yung mga… Sino nga ba ‘yun? Iyong mga nasa New York Fashion Week, mga malalaking tao doon.”, paglilinaw pa ng aktres.


Ayon pa sa kaniya ay umaasa siya sa pinakamainam na magiging resulta ng kaniyang audition. Dahil na rin sa pagnanais ni Maymay na ipagpatuloy ang kaniyang karera sa pagmomodelo natanong na rin siya kung magiging posible para sa kaniya ang iwanan ang show business industry at manirahan na lamang sa Estados Unidos tulad na lamang ng Fil-Am na modelo na si Kelsey Merrit. Agad naman itong sinagot ng dalaga na hindi pa rin niya iiwan ang Pilipinas.


Natanong din siya patungkol sa pangarap niyang designer o brand model ngunit ito ang naging pabiro niyang sagot:
“Ay wala po. Hindi ko nga po kilala ‘yan. Ang alam ko lang buy one, take one!”





error: Content is protected !!