11-anyos na kuya inaalagaan ang tatlong mga kapatid matapos mawala na lamang bigla ang kanilang ina!



Nakakalungkot man isipin ngunit minsan ay tama din naman ang ilang mga kasabihan na mayroong mga panahon na ang mga kabataan ay tila mas nagiging responsable pa kaysa sa maraming mga matatanda. Kadalasan kasi ay wala nang iba pang mapagpipilian ang mga batang ito kundi tumindig at magpakatatag na lamang sa murang edad at harapin ang mga pagsubok nila sa buhay.



Isang halimbawa na lang marahil ang isang 11 taong gulang na batang ito matapos madiskubre ng kanilang mga kapitbahay na siya na pala ang tumatayong ama at ina sa tatlo pa niyang nakababatang kapatid. Kahit nasa murang edad pa lamang ay masasabi mo na talagang mas responsable pa siya kaysa sa kaniyang mga magulang. Hindi kilala ng mga bata ang kanilang ama habang kanilang ina lamang ang nag-alaga sa kanila sa mga nagdaang panahon hanggang naglaho na lamang ito isang araw ng walang iniwang kahit anong bakas.


Naghintay sina Juan Pablo at ang kaniyang mga kapatid sa pagbabalik ng kanilang ina, ngunit nang hindi na ito nagbalik ay si Juan Pablo na ang tumayong magulang sa mga kapatid nito. Hindi sigurado ang magkakapatid kung bakit nga ba bigla na lamang nawala ang kanilang ina, boluntaryo nga kaya itong umalis upang iwanan sila o di kaya naman ay mayroon nang nangyari na maganda sa kaniya. Ano pa man ang kaniyang dahilan ay nanatili sa mga anak nito ang katotohanang hindi na ito bumalik pa.



Sa kabila ng mahirap na sitwasyon ng magkakapatid ay hindi sila lumiban sa eskwela kahit isang beses. Si Juan Pablo ang nag-aasikaso sa mga kapatid niya at sama-sama silang namamalimos sa lansangan upang magkaroon ng pera at makakain. Sa tuwing wala naman silang napapalimos ay naghahalungkat na lamang sila ng pagkain sa mga basurahan.


Isang araw ay may narinig ang mga kapitbahay nila na batang umiiyak ng napakalakas dahil sa gutom at dahil nga dito ay natuklasan na ng mga kapitbahay nila ang kanilang mahirap na kalagayan. Tumawag sila ng pulisya at dinala ang magkakapatid sa isang “family welfare agency”.




error: Content is protected !!