Maris Racal labis na hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang mga swimsuit photos sa social media!

Si Mariestella Cañedo Racal o mas kilala ng publiko bilang si Maris Racal ay 21 taong gulang na aktres, mang-aawit, at mananayaw na sumikat noong 2014 matapos niyang magwagi bilang 2nd Big Placer sa “Pinoy Big Brother (PBB) All In”. Sumali siya sa PBB noon sa edad na 16 na taong gulang at tinaguriang “Singing Sunshine ng Davao”. Napukaw niya ang atnesyon ng publiko sa kaniyang nakakamanghang talento sa pag-awit, sa kaniyang magandang mukha, at natural na pag-uugaling nakita ng marai ng pumasok siya sa bahay ni Kuya.

Ang Kapamilya young actress at singer na si Maris ay napabilang sa mga Star Magic artists matapos niyang maging bahagi ng PBB. Kalaunan ay naging miyembro siya ng all-girl dance group naGirltrends sa noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime”.

Dahil sa kaniyang mga talento bilang isang aktres, mananayaw, at singer/songwriter ay nakatanggap siya ng ilang mga prestihiyosong pagkakakilanlan tulad na lamang ng “Most Promising Actress award” sa kauna-unahang Star Cinema Awards noong 2014, “Best New Artist of the Year” sa MOR Pinoy Music Awards noong 2018, at marami pang iba.


Kamakailan nga lamang ay ginulat niya ang publiko dahil sa kaniyang mga naggagandahang mga larawan na pinost niya sa kaniyang social media account. Talaga namang kabigha-bighaning Maris Racal ang makikita sa mga larawan habang suot suot ang kaniyang mga swim wear!

Mapapansin din ang kanyang magandang pangangatawan na bunga ng kaniyang pag-eehersisyo at dyeta! Talaga namang kahanga-hanga ang pag-aalagang ginagawa niya sa kaniyang katawan.

At ngayon nga na 21 taong gulang na siya ay makikita ang naging malaking pagbabago niya dahil sa mas lalo pa siyang gumanda. Ngunit higit pa rito ay isa rin siyang magandang ehemplo sa iba pang mga kababaihan at kabataan na mahalin ang kanilang sarili lalo na ang kanilang pangangatawan.

Sa ngayon ay ginagampanan niya ang karakter ni Peachy Ann Mabunga sa kanilang family drama series na pinamagatang “Pamilya Ko” kasama pa ang ilang mga batikan at beteranong artista tulad ni Sylvia Sanchez, Joey Marquez, JM de Guzman, Arci Muñoz, at marami pang iba.



error: Content is protected !!